^

PSN Showbiz

Gloria matalas pa ang memorya

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Gloria matalas pa ang memorya
Gloria Romero

Sa edad na 83 talagang napakabait ng Diyos sa aktres na si Gloria Romero dahil mahusay pa ang kanyang memorya at hindi pa siya makakalimot ng kanyang script.

Hindi nag-alala ang GMA na gawing dalawa ang kanyang serye. Bukod sa umeere nang Meant To Be na isa siyang modernong lola, ibinigay pa rin  sa kanya ang isang fantasy series, ang Daig Kayo ng Lola Ko.

Sa said series ay gaganap siya bilang fairy lola nina Jillian Ward, David Remo at ng batang napulot nila sa lansangan na ginagampanan ni Chlaui Malayao. May ka-loveteam na si Jillian sa serye sa katauhan ni Julius Miguel. Si Jillian din ang kumanta ng theme song ng series.

Masaya sa Kapuso Network ang beteranang aktres at tinataguriang ‘millennial lola’ dahil hindi lamang bata ang mga binibigyan ng luwag ng network sa kanilang pagtatrabaho kundi ang may edad din na tulad niya.

Bago pa mag-alas dose ng gabi ay pinauuwi na nila ang aktres at pinagpapahinga na. Maganda rin naman ang kalusugan ni Gloria dahil bukod sa kanyang vertigo na mayro’n siyang regular na maintai­nan­ce ay wala na siyang iniindang sakit.

JC umaarangkada ang career

Nagsisimula nang umarangkada ni JC Santos. Matapos ang maganda niyang exposure sa Til I Met You nina James Reid at Nadine Lustre ay sinwerte siyang mapili bilang isa sa walong kandidato sa I Can Do That na kung saan hindi man siya nangungunang kandidato ay tuma­tatak naman at nagugustuhan ng manonood ang mga napipili niyang stunts na nagagawa niya ng mahusay at nagugustuhan ng mga manonood. Dumarami na rin ang mga acting projects niya.

Kapareha siya ni Julia Montes sa kasalukuyang umeereng episode ng Wansapanataym. May ginagawa rin siyang movie kapareha ni Bela Padilla. Hindi rin pala nakaapekto sa imahe niya ang pag-amim niya at pagpapakilala sa publiko ng kanyang girlfriend.

Sanya malayo na ang narating

Sayang at hindi na na-witness ni Kuya Germs ang pag-asenso at pag-angat ng career ng isa sa mga kabataan na itinampok niya sa kanyang programang Walang Tulugan na si Sanya Lopez. Marami ang nagkainteres sa kanya nang mapabilang siya sa gaganap ng role ng apat na Sang’gre sa En­cantadia. Pinakabago siya sa apat na napili kaya marami ang tumawad sa kanyang kakayahan, until mapanood siya at napatunayan na mayro’n siyang “k” na mapasama sa malaking cast ng fantaserye, in looks and in talent.

Pumantay na si Sanya sa kanyang kapatid na si Jak Roberto na naunang mag-artista sa kanya. Pareho silang hindi nawawalan ng proyekto at dahil dalawa na silang nagtatrabaho, mas madali na nilang matutupad ang pangarap nilang magkabahay para sila na ang puntahan ng mga magulang nila rito sa halip na sila ang dumadalaw sa kanila.

 

vuukle comment

GLORIA ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with