^

PSN Showbiz

Pia ipinasa sa abogado ang talak ng negosyante sa brunei

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pia ipinasa sa abogado ang talak ng negosyante sa brunei
Pia Wurtzbach

Ipauubaya ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang legal counsel ang pagsagot sa mga akusasyon ng isang Pinay businesswoman sa Brunei.

Very classy ang aksyon na gagawin ni Pia dahil ang cheap-cheap ng isyu na hindi nababagay para sa isang kagaya niya na nagbigay ng karangalan sa ating bansa nang manalo siya na Miss Universe noong 2015.

Kahit iba na ang may hawak ng korona ng Miss Universe, kagamit-gamit pa rin si Pia kaya target siya ng mga nilalang na nangangarap na mapag-usapan, at her expense.

Kung ako man ang nasa lugar ni Pia, hindi ko papatulan ang katsipan na isyu, lalo na kung pang-market place ang mga paratang laban sa kanya. Mabuti na lang, matalino na babae si Pia, hindi basta natataranta sa mga paninira sa kanya at higit sa lahat, pinipili niya ang mga isyu na pag-aaksayahan ng panahon.

Si Pia ang host ng grand coronation night ng Bb. Pilipinas 2017 na magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa April 30.

JV at Jinggoy nag-heart to heart talk

Sumakit ang ulo ko at nahilo ako nang dalawin ko sina Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center ng Camp Crame noong Biyernes.

Matindi ang init sa kulungan nila kaya na-i-imagine ko ang dusa ng kanilang kakosa, si Senator Leila de Lima, na nakakulong sa ibang selda pero nasa isang compound lamang ang detention cell nila.

Happy si Papa Jinggoy dahil pinayagan siya ng Sandiganbayan na makadalo sa 80th birthday celebration ng kanyang ama, si Manila City Mayor Joseph Estrada.

Anim na oras ang ibinigay kay Papa Jing­goy ng Sandiganbayan at sulit na sulit ang bawat minuto dahil muling nakapiling ni Papa Jinggoy ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Pinalakpakan ng mga bisita ang pagbati sa isa’t isa ni Papa Jinggoy at ng kanyang half-brother na si Senator JV Ejercito sa stage, pagkatapos ng kanilang mga song number.

Ang hindi alam ng mga tao, dinalaw ni JV si Papa Jinggoy sa PNP Custodial Center bago idinaos ang birthday party ni Papa Erap at nagkaraoon sila ng heart-to-heart talk.

Maganda ang resulta ng pag-uusap ng magkapatid dahil nagkalinawagan sila at nawala na ang kanilang mga tampuhan na siguradong ikinatuwa ni Papa Erap.

I’m sure, ang pagkakasundo nina Papa Jing­goy at JV ang isa sa mga best 80th birthday gift na natanggap ng kanilang ama na kaligayahan na ang makita na in good terms ang lahat ng mga anak niya.

Sarah sinigurong hindi aatrasan Ni Richard ang BIR

Kahit hindi pa nagsasalita si Richard Gutierrez, haharapin niya ang tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng BIR.

Walang problema o pagsubok na tinalikuran ni Richard at alam ‘yan ng madlang-bayan dahil nasubaybayan natin ang buhay at career ng aktor mula pagkabata, pagkabinata hanggang maging ama siya.

Ang sabi nga ni Sarah Lahbati, walang itinatago ang love of her life kaya sinagot niya ang tanong ng mga reporter sa presscon ng True Beauty tungkol sa bagong kontrobersya na kinasasangkutan ni Richard.

Ang True Beauty, How To Glam Your Life Inside and Out, ang newly-released book ni Sarah na nagpapasalamat sa VRJ Books dahil sa tiwala sa kanya. Sister company ng Viva Films at Viva Artists Agency ang VRJ Books na naglalabas ng mga libro tungkol sa life story ng kanilang mga contract star.

vuukle comment

BRUNEI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with