^

PSN Showbiz

Sharlene mas pinili ang Australia kesa mag-debut

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sharlene mas pinili ang Australia kesa mag-debut
Sharlene San Pedro

Noong April 5 ay nag-18th birthday na si Sharlene San Pedro. Personal na desisyon daw ng dating child star na huwag magkaroon ng magarbong selebrasyon.

“Actually kaya ayoko talaga mag-celebrate ng birthday kasi gusto kong mag-travel with Ate Miles (Ocampo) sa Australia,” pagbabahagi ni Sharlene.

Matagal-tagal na raw pinag-iipunan nina Sharlene at Miles ang kanilang magiging bakasyon sa ibang bansa sa susunod na buwan.

“Sabi ko ituloy na natin ‘to huwag na tayong mag-cele­brate ng birthday, huwag na tayong mag-party ng sobrang bongga, mag-travel tayo. Tapos ‘yon, na-finalize na namin, talagang nag-book na kami ng flight. Inayos ko na ‘yung visa ko. So ‘yon,” kwento ni Sharlene.

Samantala, nakatakda nang mag-release ng sariling album ang aktres sa June kaya pinaghahandaan na niya ito ngayon pa lamang. “It’s under Yellow Room Music Philippines. It’s all about hugot. Kumbaga para talaga sa mga kabataan ‘yung album ko since ‘yon naman talaga ‘yung market ngayon. Sa social media para talagang masyadong maraming feels ‘yung mga kabataan ngayon. Kaya for sure makaka-relate talaga sila,” pagtatapos ng dalaga.

Khalil maraming napulot kay Noven

Kagabi ay natunghayan sa Maalaala Mo Kaya ang istorya ng buhay ng Tawag Ng Tanghalan grand champion na si Noven Belleza. Si Khalil Ramos ang gumanap bilang si Noven at ayon sa aktor ay mayroong pagkakahawig sa buhay nila  ng TNT champion. “Lahat naman ng tao may isang pangarap sa buhay na gustong abutin and like Noven, like me, when I was back in the contest, it was all about our passion and that’s what’s similar between Noven and I. The story is very inspiring,” nakangiting pahayag ni Khalil. Dahil sa pagganap ng aktor sa MMK ay nadiskubre nitong sumali rin pala si Noven noon sa Pilipinas Got Talent kung saan naging finalist din si Khalil.

Maraming mga aral din ang napulot ng binata dahil sa istorya ni Noven at sa lahat ng hirap na naranasan ni Noven noon. “He came from a very simple life back in Bacolod and you know it was challenging for me to fill in his shoes. Kasi grabe ang respect ko for the agricultural workers in the Philippines. Their work is so hard, nabibilad sila sa init araw-araw and just like Noven, may mga pangarap din silang gustong abutin. I am so ins­pired by his story,” pagbabahagi ng singer-actor.

 

 

vuukle comment

SHARLENE SAN PEDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with