^

PSN Showbiz

Sey ni Jake,Joint custody kay Ellie, tuloy!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Congratulations sa FDCP at SM Cinemas sa matagumpay na grand opening ng Cine Lokal na gina­nap sa Cinema 1 ng SM MOA kamakalawa ng gabi.

Dinaluhan ang naturang event ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nag­bigay ng mensahe sa lahat na mga dumalo. Pero walang kinalaman sa movie industry ang mga binitiwang pahayag dahil marami raw siyang kinikim­kim na mga sama nang loob sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya.

Ganun pa man, masaya ang FDCP Chairperson Liza Diño sa suporta ng ating pangulo.

Nagkaroon daw sila ni Aiza Seguerra ng private meeting kay Pres. Duterte at doon daw nila inilatag ang kanilang vision at mga sisimulang proyekto para sa ating movie industry at natutuwa raw ang pangulo sa mga ginawa niya.

Pahayag ni Liza; “Unang-unang sinabi niya sa akin, ‘tama na yang parochial system na ‘yan.

“Let’s spread it out. Let’s empower everyone. Gusto ko yang ginagawa mo. Dalhin mo sa south ‘yan, dalhin mo sa iba’t bang rehiyon para lahat pantay-pantay.

“So nakaka-empo­wer, nakakaenganyo kasi talagang kung walang mandato ng president itong ginagawa namin hindi magiging madali.”

PAK: Star-studded naman ang ginanap na selebrasyon ng 80th birthday ni Manila Mayor Joseph Estrada na dinaluhan ng mga kilalang personalidad lalo na sa larangan ng pulitika.

Nagsama-sama sa iisang table ang Pangulong Duterte, ang dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, dating Se­nate Pres. Juan Ponce Enrile, da­ting First Lady Imelda Marcos, dating Sen. Bongbong Marcos, at dating VP Jejomar Binay.

Pinayagan ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada na dumalo pero pagtuntong ng alas-onse ng gabi ay kailangang umalis na siya pabalik ng Camp Crame.

Nagkasama-sama silang magkakapatid na hinandugan ng awitin ang kanilang Daddy, at nagkatabi sila roon ni Sen. JV Ejercito.

Inakbayan ni Sen. Jinggoy si Sen. JV para ipakita sa ka­nilang ama na okay na sila.

Isa sa mga nag-perform na mga apo ay ang anak ni Jake Ejercito kay Andi Eigenmann na si Ellie.

Kasama siya sa mga apong kumanta para sa kanilang lolo.

Nagpasalamat si Jake at ipinahiram ni Andi ang anak nila, pero hindi raw sila ang nagkausap.

Ang kapatid daw niyang si Jerika ang nakausap ni Andi nang ipinahiram ang bata.

BOOM: Nilinaw ni Jake na tuloy pa rin ang isi­nampa niyang petition sa korte na joint custody sa anak nilang si Ellie.

Ang pagkakaalam daw ni Jake nagpa­dala na ng reply affidavit sina Andi pero hindi pa raw niya ito nabasa.

Pursigido raw siyang ituloy ito para makita at makasama naman daw niya ang anak niya sa regular schedule.

“I think its only right for a father to spend time with his daughter.

 “We’re not asking for much. That’s very important for a child’s formative years,” pahayag ni Jake.

Sabi ni Andi, puwede naman daw nila itong pag-usa­pan, pero hindi naman daw nakikipag-usap sa kanila si Jake.

Sagot naman ng binata; “Hindi aabot sa ganito na magpa-file kami ng case kung nakakausap siya nang maayos.

“We tried going through a lot of people.

“Actually, we started preparing for a case late last year pa, but hindi naman tinutuloy kasi we’re hoping na mapag-usapan.

“So, it’s just a bomber na pinapalabas nila na hindi ka marunong makipag-usap. They can ask Boss Vic of Viva, ang dami na naming tinry na mag-course through other people pero wala.”

vuukle comment

JAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with