^

PSN Showbiz

Brillante Mendoza hahataw sa TV

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Isang bagong direksiyon ang sinimulan ng bagong TV5 management na pinamumunuan ng bagong pangulo ng TV network na si Coach Chot Reyes, ang pagpi-present ng pitong espesyal na episode ng pitong magkakaibang kuwento na lahat dinirek at pinamahalaan ng premyadong director na si Brillante Mendoza. Ang ika-apat na special episode ay pinamagatang Pagtatapos kung saan tampok na bituin ang baguhang young actress na si Gabby Padilla na gumanap sa papel na Shaira, isang graduating student na marami ang pinagdaanang pagsubok bilang isang tinedyer, anak at isang estudyante.

Tampok din sa bagong TV masterpiece ni Brillante Mendoza ang mga beteranong actors, ang mag-asawang Nonie at Sharmaine Buencamino, Racquel Villavicencio, No­noy Froilan at iba pa.

Napahanga kami sa magandang performance ng baguhang aktres na si Gabby (bilang Shaira) na napaka-fresh at natural ang ipinakitang acting na matutunghayan ngayong Sabado (April 22) sa TV5 sa ganap na ika-9:30 ng gabi.

Coldplay mas dinayo sa Japan

Kahit nagkaroon ng successful live concert ang sikat na British rock group na Coldplay sa Pilipinas last April 4 na ginanap sa SM MOA Grounds nung April 4 na talaga namang dinagsa ng mga manonood at kasama na rito ang maraming kilalang celebrities, hindi pa rin nagkasya ang ibang celebrities na dumayo pa ng iba’t ibang bansa para roon panoorin ang A Head Full of Dream Tour ng grupo.  Ang iba sa kanila ay pinanood ang Coldplay sa Australia, Singapore, Taipei at maging sa Tokyo, Japan kung saan nagtanghal ang sikat na grupo sa Big Dome ng Tokyo, Japan last Wednesday, April 19 tulad ng mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao na Disyembre pa lamang ay bumili na ng tickets kasama ang kanilang inaanak, ang Tokyo-based na si Aila Marie Reyes.

Sobrang nag-enjoy sa concert ng Coldplay sina Julius, Tintin at Aila na dinayo rin ng iba pang foreigners bukod sa mga local Japanese fans.

Ayon sa mga nakapanood ng concert ng Coldplay sa ibang bansa, mas lumabas na mas mahal di hamak ang tickets sa Manila concert ng grupo kumpara sa ticket price sa ibang bansa kaya tiyak na tumabo nang husto ang organizer/producer ng Manila concert ng popular British rock group.

vuukle comment

BRILLANTE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with