^

PSN Showbiz

Kris ‘di kasama sa kasal ni AiAi

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kris �di kasama sa kasal ni AiAi
AiAi delas Alas at Kris

Magkaibigan talaga sina AiAi delas Alas at Marian Rivera. Sa rami ng partisipasyon ng huli sa magiging kasal ng komedyana, aakalain mo na siya ang ikakasal.

Kaya walang pagsidlan ng kaligayahan si AiAi dahil pakakasal na siya sa lalaking napatunayan niyang mahal siya baka sa buwan ng Nobyembre ng susunod na taon na kung saan ay pareho nilang birth month, may kaibigan pa siya na nagpapakita sa kanya ng malasakit. Hindi niya mami-miss si Kris Aquino na dati niyang ‘friendship.’

Papalit sa F4 at Barbie dini-diskubre pa

Salamat katotong Nitz Miralles sa impormasyon na muling magkakaro’n ng mala-Meteor Garden na palabas sa 2018. Maraming tagahanga ang grupo at ang serye ang matutuwa sa baIitang ito.Bukod sa tinamo nilang kasikatan ay talaga namang maganda ‘yung dalawang season ng Meteor Garden na napanood dito sa bansa na nagtampok sa  grupong F4 na dumating din ng bansa para mag-concert.

Maganda kung magkakaro’n ng roles sa bagong Meteor Garden ang sinuman kina  Jerry Yan, Vic Chou, Vaness Wu, Ken Chu at Barbie Hsu para magkaroon ng koneksyon ang bagong MG sa orihinal na palabas, at sana matanggap din ang mga bagong mapipiling artista ng henerasyon ngayon.

Anak ni Paolo boto sa karelasyong lalaki ng ama?!

Kung wala mang hindi magandang reaksyon ang karamihan ng nakabatid na mayroon palang inspirasyon o karelasyon na rin si Paolo Ballesteros sa isang dancer na kapwa niya lalaki ay dahilan siguro sa hindi niya itinanggi at lalong hindi inamin ang tunay niyang kasarian.

Simula’t sapul naman ay chill lang si Paolo sa kanyang tunay na pagkatao. Mas namayani rin ang tunay niyang talent. Maski ngayong bigla na lamang ang paglalabas niya ng larawan sa Instagram ng mga kamay nila ng lalaki na may similar rings na dito sa atin ay itinuturing na kung hindi man friendship rings ay engagement rings. Ibig lang sabihin na binuksan na ni Paolo ang kanyang sarili sa publiko at pasalamat na lamang siya na tinanggap ito ng marami ng bukas palad, walang panghuhusga at positibo. Hindi naman siguro nito maaapektuhan ang kanyang anak na babae sa Amerika na baka marahil, ay alam na rin ang “sikreto” ng kanyang ama.

Ara at ex parang may part 2 ang love story

Hindi kaya sa bandang huli ay sina Ara Mina at Bulacan Mayor Patrick Meneses ang magkatuluyan? Kahit sabihin pang may mga kasama silang iba ay magkasama pa rin silang mag-ex at ang kanilang anak na si Amanda nung Mahal na Araw na umalis at nagbakasyon sa Brunei.

Kailangan daw ibakasyon ng aktres ang kanyang anak dahil naging abala siya sa kanyang trabaho ng mga nakaraang araw at gusto niyang bumawi dito. Kinailangang din nilang makasama ang ama nito dahil gusto niyang lumaki ang kanyang anak na kilala at  close sa kanyang ama. Ang ganda namang motivation.

 

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with