^

PSN Showbiz

Kapamilya wala pa ring interes kay Kris, Sharon pinairal ang favoritism sa The Voice?!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya wala pa ring interes kay Kris, Sharon pinairal ang favoritism sa The Voice?!
Sharon Cuneta

SEEN: Humble brag si Kris Aquino dahil matapos sabihin na dalawang beses siya na nakaranas ng rejection, ibinalita niya ang Hollywood movie na gagawin.

SCENE: Hindi assurance ang Hollywood movie para muling kunin ng ABS-CBN ang serbisyo ni Kris Aquino. #PracticeHumility.

SEEN: Ang sampaguita na isinabit ni Sharon Cuneta sa leeg ng The Voice Teens contestant na umawit ng kanyang hit song na Pangarap na Bituin. #Scripted.

SCENE: Kahit hindi maganda ang timbre ng boses, pinili ni Sharon Cuneta ang contestant na umawit ng kanyang kanta sa The Voice Teens.

SEEN: Anak ni Roi Vinzon si Isabella Vinzon, ang contestant ng The Voice Teens na pinili ni Bamboo. Makapasok sa showbiz gaya ng kanyang ama pero bilang singer ang pangarap ni Isabella.

SCENE: Walang kabuhay-buhay na judge ng Tawag ng Tanghalan Kids si Kyla. Matagal na si Kyla sa entertainment industry pero bland pa rin ang personality niya.

SEEN: Nagsimula na ang taping ni Eugene Domingo para sa kanyang magbabalik-telebisyon na game show, ang Celebrity Bluff. Sa June 2017 ang telecast ng Celebrity Bluff at makakasama ni Eugene si Edu Manzano.

SCENE: Magaganap sa darating na Sabado, April 23, ang Grand Parade of Beauties ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2017 sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

SEEN: Walang reaksyon si Paolo Ballesteros sa mga headline na hindi naman bago na nag-out na siya at ang dancer na si Roland Ochoa Anog ang bagong inspirasyon niya.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with