^

PSN Showbiz

Kapamilya nanguna sa News at Entertainment noong Marso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanguna ang ABS-CBN sa pagbabalita at mga programang naghahatid ng aliw at saya base sa datos mula sa Kantar Media. Pumalo ang Kapamil­ya Network sa average audience share na 46% sa pinagsamang urban at rural homes at nalamangan ng 12 puntos ang GMA na nakatamo ng audience share na 34%.

FPJ’s Ang Probinsyano (39.9%) pa rin ang na­ngu­­ngunang entertainment program sa listahan ng top 10 na mga programa sa bansa noong Marso dala ng patuloy na pagtutok ng sambayanan sa maaksyong kwento ng buhay ni Cardo (Coco Martin). Pagdating naman sa pagbabalita, nangunguna ang TV Patrol sa average national TV rating nito na 30.7%.

Pinakatinatangkilik naman sa larangan ng current affairs ang Rated K ni Korina Sanchez na nakakuha ng average national TV ra­ting na 24.1%. Pasok din sa top 20 ang Kapamilya primetime dramas na My Dear Heart  (28.7%),  Wildflower  (21%), at A Love to Last  (17.9%) kung saan tampok ang iba’t ibang laban ng pag-ibig. Patuloy na lumalaban ang pamilya ni Heart sa My Dear Heart at naniniwalang siya ay gagaling, si Ivy ay patuloy na lumalaban para makamit ang hustisya at para makawala ang kanyang bayan sa kamay ng malupit na mga Ardiente, at si Andeng at Anton naman na patuloy na lumalaban para lang maipakita sa kani-kanilang pamilya na busilak ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Tinututukan din ang nakakaantig na mga kwento ng letter senders na matapang na hinarap ang hamon ng buhay sa MMK  (31.1%) pati na rin ang pagsasadula ng mga totoong kaso na nagtuturo ng kaalaman sa batas sa Ipaglaban Mo (19.8%). Patok naman sa mga bata ang makabuluhang fantasy stories hatid ng Wansapanataym na pumalo sa national TV rating na 36.8%. Wagi rin sa ratings ang pampamil­yang saya na  Your Face Sounds Familiar Kids (35.6%), Home Sweetie Home (26.3%), It’s Showtime (Saturday)  (23.8%), at  Goin Bulilit (22.5%).

Namayagpag ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks noong Marso, partikular na sa primetime (6PM-12MN).

At ang ABS-CBN din ang naghari sa iba pang lugar sa bansa.

vuukle comment

KAPAMILYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with