^

PSN Showbiz

Fans nasabik sa KathNiel!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sabik na sabik ang tao na makita sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Can’t Help Falling In Love na follow-up ng movie nilang Barcelona: A Love Untold na bukod sa isang magandang pelikula ay humakot ng maraming manonood sa box-office. Hindi na nakapagtataka na bago pa mag-ika-9 ng umaga kahapon ay nakapila na ang maraming manonood sa sinehan, kasama ang SM Fairview kung saan ay personal kong nasaksihan ang pagkasabik ng lahat ng manonood sa movie kung saan ay mag-asawa ang role ng dalawang tinaguriang Teen King & Queen ng Philippine Cinema.

Maganda rin ang ibinabadya ng movie tungkol sa sinasabing paghihiwalay ng loveteam. Ano ang mga producers, hilo? Bakit kailangang sirain ang isang tambalan na nag-aakyat sa kanila ng malaking pera? At bakit ito ipalalabas sa mga 300 sinehan kung hindi sila bilib sa lakas ng hataak ng KathNiel? 

Lotlot may hugot sa ginawang pelikula

Kung hindi ko pa napanood sa isang mala­king sinehan ang 1st Sem, isang indie film na pinagbibidahan ni Lotlot de Leon ay hindi ko pa makikita ang kagandahan ng movie tungkol sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina sa kanyang mga anak. Mahirap ang role ni Lotlot bilang isang single parent para sa tatlong anak na lalaki lalo’t nag-iisa siya. Hindi naman siya gaanong nahirapan bagaman at sa tunay na buhay ay wala siyang naging prob­lema sa kanyang mga anak pero sa mga kapatid niya ay meron.

Mas nauna pang mapanood sa maraming bansa bago ipalabas ito sa Pilipinas. Nanalo rin si Lotlot ng Best Actress sa isang filmfest na sinalihan ng pelikula sa ibang bansa. 

Pawang first timers ang kasama ni Lotlot sa movie, mula sa direktor nitong sina Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez hanggang sa mga gumaganap na mga anak ni Lotlot sa movie na sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, at Sebastian Vargas. Workshoppers ni Ricky Lee sina Ibanez at Hemedez na kasalukyan ding nagsusulat para sa ABS-CBN.

Palabas na sa mga sinehan ang 1st Sem simula Marso 29. Kasama rin sa movie si Allan Paule.

Theme songs malaking tulong sa pelikula at teleserye

Malaking bagay ang ginagawa ng mga theme songs sa mga movie at teleserye. Hindi maaaring itanggi na ang kanta ni Elvis Presley na Can’t Help Falling In Love ang isa sa malaking atraksyon ng pelikula ng KathNiel. Kung hundi pa ito ginamit sa movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay hindi pa malalaman ng mga millennials na isa ito sa awit na pinasikat ng King of Rock n Roll. 

Si Jose Mari Chan naman ang nagpasikat ng theme song ng A Love To Last nina Bea Alonzo at Ian Veneracion. Paboritong request na rin ito ngayon sa radyo.

Ganito rin ang inaasahan na magyayari sa awitin ng Rivermaya na Umaaraw, Umuulan na gagamitin sa movie nina Jericho Rosales at Bela Padilla na Luck At First Sight, pero gagawan ng bersyon ni Zia Quizon.

vuukle comment

FANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with