^

PSN Showbiz

Carla, Daniel, at Lauren naglabas ng galit sa na-dismiss na kaso ng asong pinatay

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kabilang ang dog lovers na sina Carla Abellana, Daniel Matsunaga, at Lauren Young sa nag-react sa pagkaka-dismiss ng kasong isinampa ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) sa director at producers ng Oro. Dahil ito sa eksenang may pinatay na aso sa pelikula.

Napa-“shame on them” si Lauren at si Daniel naman ay nag-post ng angry emoticon. Si Carla naman ay nag-post ng picture ng asong pinatay, at ni-repost ang copy ng resolution ni Pasig City Assistant Prosecutor John Y. Ong sa pagkaka-dismiss ng kaso.

Ang reaction ni Carla ay “And the terrible news just keep rolling in.”

Hindi lang ang tatlo ang nag-react sa pagkaka-dismiss ng kaso pati ang netizens at kinu-question ang pagkaka-dismiss sa kaso laban kina director Alvin Yapan, Jane Gonzales, Mark Shandi Bacolod, at Arianne Dulay.

Pero tuloy ang laban ng PAWS dahil naniniwala silang may probable cause para kasuhan ang mga nabanggit “for violation for the act of making business out of cruelty to an animal and will pursue its legal remedies to reverse the above resolution.”

Julie Anne makakapahinga na sa iyakan

Tapos na ang taping ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, makakapagpahinga na si Julie Anne San Jose sa pag-iyak. Bawi naman siya sa pagtatapos ng teleserye dahil happy ending ang love story ng mga karakter nila ni Benjamin Alves.

Mas nahasa raw siya sa crying scene, lagi niyang ginagalingan dahil gusto niyang maganda ang eksena at gusto niyang naka-commit siya sa role na si Santina. Sobrang flattered si Julie Anne sa papuri ni director Gina Alajar. Iyon din ang sinabi nina Jean Garcia at Victor Neri.

Gusto ni Julie Anne ang ginagawa ni direk Gina na bago magsimulang mag-taping, nagdadasal muna sila for everybody to have patience at magandang trabaho ang kanilang magawa.

For her next soap, gusto ni Julie Anne ng something light naman, pero kung drama pa rin ang ibigay ng GMA-7, tatanggapin pa rin niya. Sa ngayon, focus muna siya sa music at makagawa ng new album.

Maxine may tatlong pelikula agad

Wala na sigurong aaway kay Jonas Gaffud sa ibinalita nitong pinag-usapan na nila ni Maxine Medina ang mga offer sa dalaga. May three movies offer kay Maxine at isang teleserye at mukhang wala na itong urungan dahil sumabak na si Maxine ng acting workshop under Pen Medina kasama ang iba pang talents ng Mercator.

Matatandaang inaway ng supporters si Jonas dahil akala’y napapabayaan si Maxine at puro sina Pia Wurtzbach at Kylie Versoza na lang ang inaasikaso.

Ang hinihintay ng supporters ni Maxine ay kung saang film company siya gagawa ng movie at kung sino ang makakasama niya. May gustong sa Encantadia siya mapabilang para magkasama sila ng BF niyang si Marx Topacio.

Kabit serye ginaya raw sa music video ni Kanye West!

Nilinaw ni director Adolf Alix, Jr., na hindi nila ginaya sa music video ni Kanye West na Famous ang poster ng sexy dramedy series na D’ Originals. Hindi nga alam ni direk Adolf ang music video ni Kanye West at ganun din ang production staff niya.

Sabi ni direk Adolf, ang original concept, sina Jac­lyn Jose, Kim Domingo at LJ Reyes lang ang nasa poster pero hindi naaprubahan dahil baka sabi­hing tomboy ang tatlo. Isinama nila sa poster sina Jestoni Alarcon, Archie Alemania, at Mark Herras at may kumontra pa rin dahil nagmuka raw orgy ito.

Kaya ang ginawa nila, isinama na rin ang mga kontrabidang sina Katrina Halili, Lovely Abella, at Meg Imperial.

Anyway, sa April 17 na ang pilot ng D’ Originals na mapapanood after Legally Blind. Comedy ang treatment sa kabit serye.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with