^

PSN Showbiz

Magka-loveteam tinotoo ang laplapan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pinag-uusapan pa lang namin ng kaibigang writer ang eksena sa taping ng isang teleserye pero nabalita na pala ito. Tungkol ito sa kissing scene na ni-request ng dalawang bida ng teleserye sa kanilang director. Simple kissing scene lang daw ang nasa script, pero nag-request ang dalawa na gawin nilang totohanan ito.

Nagulat daw ang mga nasa ta­ping sa request ng dalawa at noong take na, parang hindi na umaarte ang dalawa. Halikan sila nang halikan at natigil lang nang sumigaw ng “cut” ang director.

Kaya lang, hindi mapapanood ang nasabing eksena sa teleserye ng dalawa dahil nang ni-review ng management, hindi ito ikagaganda ng teleserye. Kikiligin ang fans ng magka-love team pero may matu-turn off din.

Ang tsika nga, pinagsabihan daw ng management ang director at production staff na present sa taping kung bakit sinunod ang request ng magka-love team.

Janella laging nireregaluhan ni Elmo

Tuwang-tuwa si Janella Salvador nang malamang intended for 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang My Fairy Tail Love Affair, ang bagong pelikula niya sa Regal Entertainment. Sa re-enactment ng kanyang reaction (hindi kasi na-capture ang intial reaction niya), napasigaw ito at itinaas pa ang mga kamay sa sobrang tuwa.

Kung mapipili sa MMFF ang movie, ayaw magpa-pressure ni Janella sa box-office gross.

“Ang tagal ng walang mermaid movie sa local cinema and I’m sure, magugustuhan ito lalo na ng mga bata. The audience will love Chantal (her character’s name) dahil maarte at kikay siya pati sa pagsasalita. Ginalingan din namin ni direk Jun Lana para maging happy ang movie­goers.”

Tiniyak ni Janella na hindi pagsasawaan ang tambalan nila ni Elmo Magalona kahit ang aktor din ang kasama niya sa Star Cine­ma movie na Bloody Cra­yons at sa ABS-CBN teleserye na Kung Kaila­ngan Mo Ako.

“Unfair ang bad comments sa kanya because he’s working hard to improve his craft. Nagtutulungan kami as a love team,” depensa ni Janella kay Elmo.

Paano niya ide-describe si Elmo?

“He’s romantic. He’s sweet at gagawin niya ang lahat to find out kung ano ang gusto mo, bibilhin niya at ibibigay sayo. Mahilig siyang magbigay ng gift and I wish many people would see that he’s very funny.”

Para hindi pagmalisyahan Kim handa raw maglabas  ng ebidensya sa bibilhing bahay!

Kakuwentuhan namin si Kim Domingo sa presscon ng D’ Originals at masaya nitong ibi­nalita na may bibilhin siyang bahay sa may Antipolo. Bago pa siya matsismis na may sponsor sa worth P5-M, four-bedroom house, sinabi na nitong nag-apply siya ng bank loan at hinihintay na lang ang approval.

“Willing akong ipakita ang form ng bank loan para maniwala ang mga magdududa. Masasabi kong bahay ko talaga ito dahil ang lola at tito ko, ibinili ko ng bahay sa Novaliches. Gusto ko ng malaking bahay dahil may five dogs ako, kaya four-bedroom siya,” wika ni Kim.

Kaya masipag siyang magtrabaho ngayon para may pambayad sa bank loan. Nagpapasalamat ang aktres sa GMA News and Public Affairs, producer ng D’ Originals dahil isinama siya sa cast ng sexy dramedy series at isa siya sa mga bida. Mapapanood na ang show sa April 17 sa direction ni Adolf Alix, Jr.   

Kim Rodriguez bagong magmamaldita kay Maine

Nakita namin si Kim Rodriguez sa last taping day ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, guest siya bilang GF ni Martin del Rosario. Kahit maiksi ang role, thankful si Kim na kinuha siyang guest at makaeksena sina Martin at Julie Anne San Jose.

Ibinalita nitong papasok din siya sa Destined To Be Yours bilang kakuntsaba ni Thea Tolentino na pasamain si Maine Mendoza.

Hindi alam ni Kim kung mahaba ang role niya. Medyo bad ang karakter niya sa teleserye ng AlDub, pero ‘di pa siya napapanood.

Derrick laging nagti-trending

Laging trending ang Tsuperhero at ito’y hindi lang dahil masipag magpa-trend ang fans nina Derrick Monasterio at Bea Binene. Dahil din ito sa magagandang episode na hatid ng Pinoy superhero comedy adventure every Sunday.

Sa episode mamaya, panibagong laban ang haharapin ni Tsuperhero (Derrick) at guests sina Gardo Versoza at Valeen Montenegro. Muli kayang manaig ang kabutihan at matalo niya ang mga kalaban gamit ang kanyang power?

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with