^

PSN Showbiz

Kahit 2 years na, Startalk hindi alam na tsugi na

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kung ako sa GMA-7 ibabalik ko ang talk show na Startalk.

Sa true lang, hindi pa aware ang karamihan na tsugi na ang nasabing programa two years ago pa.

Kahit saan magpunta ang host ng da­ting Startalk, particular na sina Nay Lolit Solis and Tito Ricky Lo, ang tsinuging programa ang itinatanong sa kanila.

Imagine, kahit nasa Jeju, Korea ang PSN columnist din na si Nay Lolit, maraming tulad niyang turista ang lumalapit sa kanya at nagpapabati sa dating programa. “Nay batiin mo naman ako sa Startalk,” ang apela ng ilang kasabay naming nagpunta sa nasabing isla ng South Korea.

At talagang lahat, nagpapa-picture sa kanya dahil ang buong akala nila, may show pa siya sa GMA-7. Hahaha.

Actually, hindi lang naman ‘yung mga nasa Jeju ang hindi nakaaalam na wala na ang programa.  Ma­ging ang maraming nakakatsika niya tulad nina dating BIR Commissioner Kim Henares. O maging ang alaga niyang si Tonton Gutierrez at marami pang iba. Asking daw si Kim Henares nang minsang magkita sila kung anong oras na ang programa nila.

Kung tutuusin, wala pang nagtagal na programa sa iniwang timeslot ng Startalk.

Nakailang palit na pero tsinutsugi din naman agad dahil hindi nga nagri-rate.

Eh ‘yung Startalk, parang tumatak na sa lahat ng tao.

Ang kuwento ni Nay Lolit, ang competition sa social media ang rason sa pagpatay sa programa nila. Ang mga artista nga naman kasi, todo-emote na sa social media at parang natabunan na ang mga talk show.

Pero bakit ang prog­rama ni Tito Boy Abunda sa ABS-CBN na Tonight with Boy Abunda, hindi apektado ng social media. Doon pa nga kumukuha ng balita ang karamihan. Kasi nakaka-exclusive siya sa mga interview at nakakauna sa mga balita.

Eh kung ganun sana ang ginawa ng GMA, sa Startalk lang sila magpapa-interview ng mga alaga nila ng mga pasabog, baka naka-survive ang naturang talk show kahit man lang 30 minutes.

Besides, walang natirang talk show ang GMA eh ang dami rin naman nilang artista na puwedeng maging outlet ‘yun ng mga balita sa kanila. Saka nakakapag-promote pa sila ng bongga.

Ngayon, saan ba nagpo-promote ang mga artista ng GMA-7? Sa Eat Bulaga at 24 Oras lang. Sunday PinaSaya, Sarap Diva, at ilang programa sa GMA News TV. Wala na rin silang mga morning show na puwedeng puntahan ng kanilang mga artista.

Sayang naman kasi kung puro sa social media na lang sila naglalabas ng kuwento nila.

Tulad halimbawa ni Kylie Padilla. Sa social media ibinuko ang memories niya nu’ng kanyang childhood ngayong malapit na siyang manganak.

Sa isang sonogram post ni Kylie naglagay siya ng poem tungkol sa kanyang magiging baby:

“Never be alone,  Like the childhood I have known, You will be with me.”

                                                                       

vuukle comment

RICKY LO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with