^

PSN Showbiz

Sarah kabado sa pagbabalik sa the voice

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa April 16 o Easter Sunday ay mapapanood na sa Kapamilya network ang The Voice of the Philippines Teens edition. Sina Luis Manzano at Toni Gonzaga ang hosts ng programa. Voice Coaches pa rin sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Bamboo, at ang nagbabalik na si Sarah Geronimo.

Aminado ang Popstar Princess na talagang kinabahan siya sa kanyang pagbabalik sa The Voice. “Kinabahan ako, challenge po kasi sa akin ang umupo sa red chair na ‘yun. I promised myself mas mag-e-enjoy ako this time. Ayokong masyado to put the pressure on myself para hindi naman ako masyadong O.C.” nakangiting pahayag ni Sarah.

Samantala, usap-usapan pa rin ngayon kung sino ang susunod na mapipiling Darna sa pelikula. Kamakailan ay nakumpirmang hindi na magagampanan ni Angel Locsin ang role bilang si Darna kaya maraming mga pangalan ang lumutang kung sino ang nababagay na gumanap sa nasabing role. Isa si Sarah sa mga sinasabing maaaring gumanap bilang si Darna. “Eh ‘di wow! Gusto nilang makakitang naka-jumpsuit na Darna. Hindi po totoo ‘yan. Popsters lang ang may gusto niyan,” natatawang pahayag ni Sarah.

Angelina Nangakong Hindi Bibitiw kay Sunshine

AKTIBO NA RIN SA SHOW business ang panganay na anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Angelina. Magaling kumanta ang dalagita kaya suportado ng mga magulang ang pagpasok nito sa showbiz.

Nagkasundo raw sina Sunshine at Angelina na huwag pababayaan ng anak ang pag-aaral kahit maging abala na sa industriya.

Nitong Lunes ay magkasamang nag-guest ang mag-ina sa Magandang Buhay. Nagpamalas din si Angelina ng galing sa pagkanta sa nasabing programa. “Lagi kong sinasabi sa kanya priority ang pag-aaral. Puro honors silang tatlong magkakapatid, so sayang naman. Importante talaga ang pag-aaral,” pahayag ni Sunshine.

Para naman kay Angelina ay hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista pero sisikapin niyang mapabuti ito pareho.

Bukod sa pagkanta ay gusto ring subukan ni Angelina ang pag-aartista kung mabibigyan siya ng pagkakataon. “It will be difficult since I have to juggle both studies and career but mom tells me that studies is the first to prioritize and I also have to practice singing ang playing the ukulele. It’s hard but not impossible. So I try my best in everything po,” paliwanag ni Angelina.

Naging kontrobersyal ang relasyon nina Sunshine at Cesar hanggang nauwi sa hiwalayan. Ngayon ay ang kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay ang kasintahan ni Sunshine at suportado naman daw ito ni Angelina. “I promise to always love you. I promise to always be there for you whenever you need me and always be by your side even at your darkest times. I love you mom,” mensahe ni Angelina sa ina.

vuukle comment

BAMBOO

LEA SALONGA

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with