^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian nagbabaklaan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Associated Press

Natawa ang mga nakabasa sa convo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil para lang silang magkaibigan kung magbiruan. Nag-post kasi si Dingdong sa Instagram (IG) ni Ma­rian ng “Oist, asaan ka? Magkasama lang tayo 30 mins ago, nakapag-aurabels ka na?”

Sumagot si Marian ng “@dongdantes na miss mo na ako agad? Hahahaha aurabels bakla ka!”

Sa picture kasi ni Marian na naka-sumbrero nag-comment si Dingdong at mukha nga namang aalis o umalis si Marian. Sa gay lingo, “awra” o “aura” ang ginagamit ng mga beki ‘pag maglalamiyerda o maglalakwatsa.

Anyway, ikinatuwa ng Encantadiks ang ibinalita ni Ma­rian na babalik sila ni Dingdong sa Encantadia bilang sina Reyna Mine-A at Raquim para tulungan ang mga Sang’gre sa laban nila kina Avria (Eula Valdez), Hagorn (John Arcilla) at iba pang kampon ng kasamaan.

Nabanggit din ni Marian na may gagawin sila ni Dingdong na kani-kanyang teleserye muna bago nila gawin ang rom-com na pangako nila sa kanilang fans.

Regine bibirit habang lumilipad

Nag-first taping na si Regine Velasquez para sa Mulawin vs. Ravena at positive ang comment ng mga nakakita ng picture niya na naka-costume. May nag-comment nga na ang costume ni Regine ang pinakamaganda sa babaeng cast kaya dapat daw ma-insecure ang iba.

Gagampanan ni Regine ang role ni Sandawa na Bathaluman ng Kalikasan at tama ba ang narinig namin na magiging ibon dito si Regine at may eksenang kakanta siya?

Curious kami dahil si Regine bilang si Sandawa raw ang ina ni Magindara na gagampanan ni Lovi Poe at isang sirena.

‘Pag umere ang Mulawin vs. Ravena, tatlo na ang regular shows ni Regine sa GMA 7. May Sarap Diva at Full House Tonight pa kasi siya.

Sunshine at anak, sabay nag-graduate

Congratulations kay Sunshine Cruz dahil college graduate na siya ng AB Psychology sa Arellano University. Hindi biro ang hirap na sinuong ng aktres para magkaroon ng degree dahil active siya sa showbiz. Kasama siya sa cast ng Wildflower at alam naman natin kung paano mag-taping ng soap.

Sabi ni Sunshine: “Tomorrow, afternoon (Saturday, April 1), I will be graduating too! I’ve always believed age is not a hindrance to finish college. Thank you Arellano University. Thank you ETEEAP program for making one of my dreams come true.”

Ang mas nakakatuwa, kasabay niyang nag-graduate ang anak na si Samantha Montano sa grade school.

Siyempre pa, ang BF ni Sunshine na si Macky Mathay ang isa sa tuwang-tuwa at very proud sa kanyang “My Sunshine.”

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with