^

PSN Showbiz

Britney Spears may concert butas-bulsa ang presyo ng tickets

Pilipino Star Ngayon

Uy darating sa bansa si Britney Spears para mag-concert.

At mismong ang music icon ang nagbalita sa kanyang Facebook account. “Excited to be performing in Manila this summer! Tickets on sale 05.04.17.”

Base sa poster na nakalagay sa account ng singer, gaganapin ang concert sa June 15, 2017 sa MOA Arena.

Wala pang ibinigay na presyo kung magkano ang bentahan ng mga ticket pero siguradong butas-bulsa ito gaya kina Jennifer Lopez, Madonna at ang paparating na concert ng Coldplay.

Kasama sa mga super sikat na kanta ni Britney ang Baby One More Time, Womanizer, Scream & Shout, Toxic, Oops! . . . I Did It Again, Piece Of Me at marami pang iba.

Kasama ang mga nasabing kanta sa Britney Spears’ 20 Biggest Billboard Hits.

Sa mga gustong manood, mag-ipon na kayo.

Rhian nag-display ng katawan sa thailand

Super toned pala ang katawan ni Rhian Ramos. At nai-display niya ‘yun sa resort ng kanyang ama sa Thailand, ang Montra.

Maganda ang lugar at obviously nag-chill lang ang Kapuso actress at walang ginawa.

Kasama niya ang ama sa ibang picture na uploaded sa kanyang Instagram account.

Piolo, Yen, at Raikko magpapaiyak

Nakakaiyak at pampamilya ang pelikulang Northern Lights: A Journey to Love.

At hindi lang talaga si Piolo Pascual ang bida, sobrang laki ng exposure ng actress na si Yen Santos and child actor na si Raikko Mateo sa pelikulang idinirek ni Dondon Santos.

Sa Alaska at Switzerland pa sila nag-shooting at nakita ang ganda ng dalawang bansa sa Northern Lights na magsisimulang mapanood sa mga sinehan today.

Graded B ang pelikula ng Cinema Evaluation Board (CEB), kakaibang Piolo ang mapapanood dito. Walang pa-cute moments. Kinda serious at may kilig sila ni Yen.

Basta panoorin n’yo na lang dahil sobrang galing din ng bagets na si Raikko.

                     

vuukle comment

BRITNEY SPEARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with