^

PSN Showbiz

Angel hindi rin daw puwede kina Daniel at Enrique!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

‘Di naman marahil kawalan kay Angel Locsin kung hindi man sila magkasama sa isang proyekto ni James Reid. Baka nga naman madagdagan pa ang sama ng loob niya kapag sinimulan na siyang i-bash ng mga maka-JaDine. Ibig sabihin ba ay ‘di na rin siya ubra kina Daniel Padilla at Enrique Gil dahil baka naman ang fans ng loveteams nila ang magdaos ng rally kapag itinambal sila kay Angel?

Purnada ang growth ng mga young leading men kung ganyang nakatuon lamang sa iisang direksyon ang paningin ng kanilang mga tagahanga.

Daniel at Kathryn sapul ng Semana Santa

Umaasa ang Star Magic at maging ang napakaraming followers nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na isang magandang araw ang Black Saturday para simulan ang pagpapalabas ng Can’t Help Falling In Love. Makaaasa ang mga maka-KathNiel ng isang matinding promosyon ng pelikula mula ngayon hanggang sa araw ng pagpapalabas nito. Kaya lamang, mas iikli pa ang panahon para sa promosyon ng pelikula dahil maiipit ito ng Mahal na Araw at sa pagkawala ng marami na aalis ng Kamaynilaan o lalabas ng bansa para ipangilin ang Banal na Linggo at magpahinga.

Enrique tinalo sina John Lloyd, Ricky Davao at Gerald

Naunahan na ni Enriqie Gil na manalo ng acting award ang ka-loveteam niyang si Liza Soberano. Pinili siyang Best Actor ng Pasado Awards para sa pelikulang Dukot na ginawa niya para kay Paul Soriano.

Tinalo niya sa kategorya sina John Lloyd Cruz, Ricky Davao, at Gerald Anderson.

Kasama na rin si Enrique ngayon sa listahan ng mga Best Actor. Malaki ang itinaas ng estado ng kanyang pagiging artista sa award na tinanggap niya.

Marc bagong kinaiinisan

Madaragdag na naman si Marc Abaya sa listahan ng mga maaasahang kontrabida sa telebisyon na napapanood sa Legally Blind. Mapagpapahinga muna niya ang mga kasalukuyang kinaiinisan ng maraming manonood dahil salbahe ang kanyang role.

Mas nakakainis ang kanyang role dahil bukod sa rapist siya ng character ni Janine Gutierrez ay nabulag pa ito dahil sa kanyang ginawa. How ironic din na ang kapatid pa ni Marc (Mikael Daez) ang mapapangasawa nito at ang kapatid ng kanyang rape victim na si Lauren Young ang susunod niyang magiging biktima.

Paano pa makakakuha ng justice si Grace (Janine)?

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with