^

PSN Showbiz

Fans ni Maxine nagwawala sa selos kay Kylie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May three movie offers pala kay Maxine Medina. Nabanggit ito ni Jonas Gaffud bilang sagot sa fans ni Maxine na nagrereklamong pinababayaan niya ito at mas pinapaboran si Kylie Verzosa. Ayon pa kay Jonas, kinukumbinse pa niya si Maxine na pasukin ang showbiz dahil nahihiya ito.

Sabi pa ni Jonas, may mga meeting siya for Maxine, at offers siguro ito.

Nag-react ang fans ni Maxine nang i-post ni Jonas ang isang magazine na cover si Kylie at may caption na “Kylie making waves as Miss International 2016. Endorsements, TV shows, Fashion features, advocacies and more to come.”

Tama si Jonas, bakit kailangang gawan ng rivalry at competition sina Kylie at Maxine. Sa rami nang nang-away kay Jonas, to the rescue si Pia Wurtzbach, pero pati siya ay inaway ng supporters ni Maxine.

Janella at Elmo matatagalan sa isla sa Zambales!

Kahapon ang first day shooting nina Janella Salvador at Elmo Magalona ng Regal Entertainment movie na My Fairy Tail Love Story sa direction ni Jun Lana. Sa isang isla sa Zambales ang shooting nila. Eh, ilang araw lang sila roon, kung saan kasama rin nila si Kiray.

Isasali ito ng Regal sa 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF). Magandang maagang sinimulan ang shooting para mas mapaganda pa ito.

First movie together ito nina Janella at Elmo.

Rochelle pinagdadamot ang detalye ng kasal

Natawa kami sa kumalat sa social media na wanted poster ni Neil Ryan Sese dahil sa pagpatay nito kay Mira (Kate Valdez) sa Encantadia. Apektado ang Encantadiks, kaya nagpakalat sila ng Wanted Dead or Alive! poster ni Neil Ryan dahil ang karakter nitong si Asval ang pumatay kay Mira.

Ang nakatutuwa lang, kay Asval galit ang Encantadiks at hindi kay Neil Ryan. Tinatakot pa itong ‘wag magpakita kay Pirena (Glaiza de Castro) dahil tiyak na papaslangin din siya sa pagpatay sa kanyang anak.

Pati kay Rochelle Pangilinan galit ang Encantadiks at dapat din daw itong patayin ni Pirena dahil sa sobrang kasamaan.

Kapag nagdya-jogging naman si Rochelle o kaya’y nasa mall, ramdam niyang mahal siya ng tao. Ang pagtanggap sa kanya ay parang noong kasikatan ng Sexbomb.

Mahal na mahal ni Rochelle ang Encantadia dahil nakapag-ipon siya nang bigyan ng chance na maging kontrabida.

Speaking of Rochelle, ayaw nitong kumpirmahin ang tsikang sa August na ang kasal nila ng fiancé niyang si Arthur Solinap, kasabay ng kanilang anniversary.

Hindi rin nito pinangalanan ang designer ng wedding gown niya na nang mabalitaan daw ni Pauleen Luna, gusto uli nitong magpakasal para makapagsuot ng wedding gown ng napili ni Rochelle.

Ayaw magkuwento ng details ni Rochelle, kaya kay Arthur namin nalamang si Dingdong Dantes ang best man nito sa garden wedding nila sa isang lugar sa Tagaytay. Intimate wedding sana ang gusto ni Rochelle at 50 lang ang guests, pero humirit si Arthur, kaya 400 na ang invited nila sa kanilang kasal.

Janno balik-GMA

This Tuesday episode na ng Meant To Be magsisimulang mapanood si Janno Gibbs bilang si Adonis, record producer o composer ng song na ire-record ni Manilyn Reynes.

Special guest lang si Janno sa rom-com series dahil may kontrata pa siya sa TV5 at hiniram lang ng GMA-7. Karamihan sa excited at nag-aabang kay Janno sa MTB ay viewers dati ng That’s Entertainment namapanood uli na magkakasama sina Janno, Manilyn, Tina Paner, Keempee de Leon, at Sheryl Cruz.

vuukle comment

MAXINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with