^

PSN Showbiz

Yen na-trauma sa isyu ng pulitiko

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Isa sa nagsisilbing tinik sa magandang karera ni Yen Santos na nagsimula nang magbida sa pelikulang Northern Lights: A Journey to Love kasama sina Piolo Pascual at Raikko Matteo ay ang pagli-link sa kanya sa isang pulitiko. Nagsimula ito nu’ng nasa TV pa lamang siya, pero mariin na niyang itinanggi ito. Hanggang ngayon ay hindi mawala-wala ang isyu at pati ang ka­patid niyang tatlong taong gulang ay nasasangkot sa gulo dahil pinalalabas na anak niya ito sa nasabing pulitiko.

Nakikipagrelasyon din naman siya, pero hindi sa pulitiko na nagtangkang man­ligaw sa kanya. Pinagdiinan ng aktres na talagang umiiwas siyang makipagla­pit sa mga pulitiko sa takot na maulit ang pangyaya­ring hanggang ngayon ay bumubiktima pa rin sa kanya.

Tuloy, pati ‘yung mga hindi pulitiko ay nadadamay. “Ayaw ko lang muna talaga. Gusto ko na ang susunod kong makarelasyon ay siyang mapapangasawa ko na. Handa na akong mag-build up ng isang relasyon na magtutuloy na sa pag-aasawa,” mariin niyang sabi.   

Ria malalampasan pa sina Sylvia at Arjo?!

With due apology to Sylvia Sanchez and Arjo Atayde, mukhang lalabas na pinakama­galing na artista sa kanilang tatlo ang pinakahuling nag-artista sa pa­milya na si Ria Atayde. Unang pinanghinayangan si Ria da­hil sa kabila ng kagandahan nito ay mataba siya. Sa kasaluku­yan ay umaagaw ito ng pansin ng mga manonood sa pagganap bilang isang neuro surgeon na na-involved sa kanyang batang pasyente sa My Dear Heart. With Coney Reyes playing the role of her mother, nagagawa ng bagong artista na makasabay sa pag-arte sa mas senior na aktres.

Malaking advantage ni Ria na nagagawa niyang magpapayat. Ka­unting bawas pa ng timbang at wala nang maipipintas sa kanya. Malaki na ang 49 lbs. na nabawas sa kanyang timbang. Mga 15 lbs. pa at okey na siya, pero siya mismo ay gustong mga 30 lbs. pa ang mawala sa kanya.

Sa tagumpay ni Ria sa pagbabawas ng timbang, marami na ang nag-uunahan para makuha siya at makumbinseng sumali sa beauty contest.

Bentahe ni Ria ang pagiging isang beauty and brains at sigurado ang lahat na mamaniin lamang niya ang Q&A na sasabakan?

JC in love na in love pa rin sa GF

Mas nakilala pa si JC Santos sa pag-guest niya sa Magandang Buhay. Ewan ko lang kung naging ma saya rin ang fans ng baguhang aktor na alam naman ng lahat ay seloso sa kanilang idolo sa paggi-guest din ng girlfriend niya. At mukhang in love na in love pa ang dalawa kahit four years na ang relasyon nila.

Maganda ang exposure na nakukuha ni JC sa programang I Can Do That. Maganda ‘yung second episode ng show kung saan nagpamalas siya ng galing sa balancing act. Sayang at hindi siya natulungan ni Arci Muñoz na nagkaro’n ng aksidente sa training nila at napilay.

vuukle comment

YEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with