^

PSN Showbiz

Diether sa Amerika na nakatira!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi pa nag-post si Arnold Vegafria ng picture nila ni Diether Ocampo sa Instagram (IG), hindi pa malalaman na nasa Los Angeles pala ang aktor. Hindi lang malinaw kung based na roon si Diether o gaya ni Arnold, business ang ipinunta.

Marami silang pictures ni Diether ang ipinost ni Arnold at ang isa nga ay kasama pa si Jaime Kailani na sister ni Bruno Mars at member ng grupong The Lylas.

May picture rin sina Arnold at Diether na nakasakay sa red top down car ng aktor. Ang caption ni Arnold ay “I love your car Diether!!! Thanks for the ride...”.

Guwapo pa rin si Diether, pero wala nang balita sa kanya. Naka-private rin ang IG nito kaya walang update ang kanyang fans na hindi niya friend.

Fans nina Julie Anne at Elmo hindi pa rin nakaka-move on

Kabilang si Julie Anne San Jose sa performers sa gaganaping Disney Princess I Dare To Dream concert sa March 22, sa Mall Of Asia. Sila lang nina Aicelle Santos at Christian Bautista ang Kapuso talents sa performers na kinabibilangan nina Lea Salonga, KC Concepcion, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Morisette, Janina Vela, at Erik Santos.

May video clip na ipinost ang GMA Artist Center habang nagre-rehearse si Julie Anne ng kantang How Far I’ll Go mula sa Disney animated film na Moana.

‘Katuwa lang ang ibang bashers dahil ginawan ng istorya ang natokang song kay Julie Anne. Kinanta rin daw ‘yun ni Janella Salvador nang ipalabas dito ang Moana .

Former love team ni Julie Anne si Elmo noong nasa GMA-7 pa ang singer-actor at ka-love team ni Janella ngayong ABS-CBN talent na ang binata. Pero parang walang konek dahil wala nang Elmo-Julie Anne love team at never namang naging sila.

Saka, matagal nang naka-move on sina Elmo at Julie Anne sa love team nila. Happy na si Elmo kay Janella at masaya si Julie Anne sa BF niyang si Benjamin Alves na ka-love team niya rin sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Masaya ang dalawa sa kanilang relasyon at kahit hindi pa deretsahang inaaming sila na, may terms of endearment na ang dalawa. Nagsi-celebrate rin sila ng monthsary at para hindi obvious, kunwari ay monthsary ng love team nila at kasama nilang nagsi-celebrate ang kanilang fans.

Lorna biglang naging busy

Busy ang calendar ni Lorna Tolentino dahil magkasunod ang launching ng bago niyang show sa ABS-CBN na Victims of Love at endorsement sa Watson’s. Tuwang-tuwa ang fans ng aktres na mapapanood na siyang muli at siguradong drama ito dahil kasama niya sina Angelica Panganiban, Julia Montes, Paulo Avelino, JC Santos, at Cherry Pie Picache.

Kasama rin si LT sa ipinakilalang celebrity endorsers ng Watson’s na kinabibilangan naman nina Edu Manzano, Iya Villania, Kylie Padilla, Tessa Prieto-Valdes, at Christian Bautista.

Matagal na ring hindi gumawa ng teleserye ang aktres.

Rich nakikilala na kahit sa sosyal na mall

Feel na feel ni Rich Asuncion ang lakas ng suporta ng tao sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos, kung saan, kasama siya sa cast. Kahit saan siya magpunta ngayon, kilala siya bilang si Flor na best friend ni Emma (Sunshine Dizon). Kahit sa sosyaling mall sa BGC ay may bumabati sa kanya para lang sabihing nanonood sila ng show at tinatanong ang mga susunod na mangyayari.

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with