^

PSN Showbiz

Dating beauty queen na nakatatlong mister na, tibo ang kinababaliwan

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tomboy nga ba ang bagong pag-ibig ng isang dating beauty queen?

Yup, ang kuwento ay hiwalay na umano si beauty queen sa farmer niyang asawa na isang Ameriko.

Kaliga na nga ba si beauty queen ni Rosanna Roces na nagpakasal sa tibo?

Bakit nga ba parang in thing ngayon ang same sex relationship?

Kung hiwalay na nga si beauty queen sa Amerikano, ibig sabihin tatlong beses na siyang hindi nagtagumpay sa buhay may asawa kaya siguro sa kabaro na siya na-in love.

Kim At Gerald magpapaiyak

Reunited ngayong gabi sina Kim Chiu and Gerald Anderson sa Maalaala Mo Kaya.

Matagal ding hindi nakitang magkasama sa isang serye ang dating magka-loveteam. Magpapaiyak daw sila sa nasabing episode. More than ten years nang una silang mapanood sa MMK, 2006, nung mga baguhan pa lang sila sa industry.

Magsisilbi itong kick off sa kanilang seryeng eere this April sa Primetime ng ABS-CBN, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

MYX binigyan ng magna  si Boss Vic

Si Mr. Vic del Rosario ng Viva Group of Companies ang pinagkalooban ng Magna Award ng MYX Music Awards na ginanap noong nakaraang gabi.

Literal na isa sa haligi ng recording industry sa bansa si Boss Vic. Fifty years ago nang itatag nila ng pinsan niyang si Mr. Orly Ilacad ang Vicor Records at hindi na mabilang ang kanilang mga pinasikat mula kay Ms. Pilita Corrales hanggang kina Sarah Geronimo at sa JaDine.

Ngayon ay may kanya-kanya na silang kumpanya pero si Boss Vic ay nanatiling dumi-diskubre ng mga pasisikatin.

Anyway, narito ang ilan sa mga nanalo sa MYX Musix Awards

Favorite Collaboration - The Great Unknown by Sarah Geronimo and Hale

Favorite International Video - Closer by The Chainsmokers

Favorite MYX Celebrity VJ - Elmo Magalona

Favorite Rock Video - Videoke Queen by Rico Blanco

Favorite Mellow Video - Di Ka Man Lang Nagpaalam by JK Labajo

Favorite Song – Tala  by Sarah Geronimo

Favorite Media Soundtrack - This Time by James Reid and Nadine Lustre

Favorite New Artist - Ylona Garcia

Favorite Female Artist - Nadine Lustre

Favorite Male Artist - Darren Espanto

Favorite Artist - Darren Espanto

Favorite Music Video -  Tala by Sarah Geronimo

Best Music Video -  Hoy by Gloc 9

                                                                                                 

vuukle comment

ROSANNA ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with