^

PSN Showbiz

Bianca kumpleto na ang pagto-tour sa mga network

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matapos maging isang Kapuso ta­lent sa loob ng mahigit isang dekada at maging Kapatid talent for a short period of time, ang aktres na si Bianca King ay isa nang Kapamilya ngayon dahil may ginawa itong bagong serye, ang Pu­song Ligaw kung saan niya mga kabituin sina Beauty Gonzales, Sofia Andres at Die­go Loyzaga.

May ilang taon ding namahinga si Bianca sa paggawa ng serye kaya excited siya sa kanyang upcoming TV series lalupa’t sa bakuran na ng ABS-CBN.

Masuwerte rin si Bianca dahil naikot niya ang tatlong major TV stations.

Liza at Baeby Baste pareho ang pinagmulan

Kung ang actress na si Donita Rose ay na-discover ng yumaong Master Showman na si German Moreno habang ito’y nasa audience noon ng That’s Entertainment na pinagmulan ng napakaraming stars, si Baeby Baste naman ay nasa audience din ng daily morning program noon ni Ryzza Mae Dizon, ang The Ryzza Mae Show.

Unknown to many, ganito rin halos ang pinagmulan ng young Kapamilya star na si Liza Sobe­rano na nasa audience noong 2010 ng Eat Bulaga para sa isang shampoo segment kung saan nakita ang ka-loveteam ni Enrique Gil na tinulak-tulak ng kapwa niyang nasa au­dience.

In fairness to GMA Artist Center, kinontrata nila si Liza who was Hope Soberano at that time pero nagpa-release ito after one week dahil gusto niyang maging Kapamilya.

Hindi naman agad nabigyan ng lead-role si Liza kundi sa mga supporting role siya napupunta hanggang dumating ang chance na makapareha si Enrique Gil at ito’y nangyari sa hit TV series na Fore­vermore.

Ang Forevermore ay nasundan ng Dolce Amore at magkakasunod na hit movies– ang Just The Way You Are at Everyday I Love You in 2015 at ang recently released movie nilang My Ex and Whys na naging mega hit sa takilya.

Ricky Davao at Jackie Lou walang siraan

Last Sunday afternoon ay na­ging in-studio guest namin nina Shalala at Joseph Gon­zales sa aming Inside Showbiz radio program sa DZRJ (8 TriMedia Broadcasting Network) ang actor-director na si Ricky Davao at ang singer-actress at da­ting mainstay ng Walang Tulungan with the Master Showman na si Rhen Escano na dating kasamahan sa programa sina Jake Vargas, Ken Chan, Sanya Lopez at maraming iba pa. 

Sina Ricky at Rhen ay nagkasama sa 2016 Cine­ma One Originals na Magdalola.

Si Ricky mismo ang nagkuwento na mahusay na aktres ang magandang si Rhen at sayang nga lamang at hindi ito gaanong nabibigyan ng project o hindi pa lamang nabibigyan ng magandang break tulad ng kanyang mga kapanababayan na sina Sanya, Jake, at Ken.

Samantala, inamin ni Ricky na kahit hiwalay na sila ng ex-wife niyang si Jackie Lou Blanco ay nananatili silang magkaibigan dahil sa kanilang apat na anak. Maganda rin ang relasyon ng actor-director sa kanyang dating mother-in-law, ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales. Kaya kahit saan man sila magkita ay hindi nila kailangang mag-iwasan.

Ang maganda pa sa hiwalayan noon nina Ricky at Jackie Lou ay naging quiet lamang sila at walang binitawang maaanghang na salita laban sa isa’t isa.

“Hindi naman kailangan,” ani Ricky.

 

vuukle comment

BIANCA KING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with