^

PSN Showbiz

Lihim na relasyon ng aktor sa kapwa aktor, nabuko ng mga kaibigan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabuking ang hindi dapat mabuking nang bumisita sa bahay ng isang aktor ang ilang mga kaibigan. Sa tagal ng tsikahan with matching masarap na pagkain, dumating ang call of nature at kailangang bumisita sa banyo ang mga kaibigan ng aktor.

Dalawa ang banyo sa bahay ng aktor at ang isa ay nasa kwarto niya. Nagkasabay magbanyo ang dalawa niyang bisita, kaya sa kwarto na lang niya pinaakyat ang isa.

Obviously, noon lang nakapasok sa kuwarto ng aktor ang kaibigan dahil nagulat ito sa nakitang na­ka-frame na picture ng kapwa aktor na na-link sa kaibigan.

Hindi inaasahan ng aktor na makakarating sa kuwarto niya ang mga bisita, kaya hindi naalis at naita­go ang picture ng kaibigang aktor at kahit sabihing friends lang sila, hindi pa rin maiwasang mag-isip ng iba dahil nali-link nga ang dalawa.

Mabait ang kaibigan ng aktor dahil hindi na niya tinanong ang aktor kung bakit may picture ng aktor na nali-link sa kanya sa kuwarto nito. Nagkunwari na lang siyang walang nakita.

AiAi makakalaban sa Queens World

 filmfest ang anak ng American actor-director na si Robert Redford

Nominated si AiAi delas Alas na Best Actress sa Narrative Fea­ture section ng 7th Queens World Film Fes­tival sa New York na ma­gaganap mula March 14 to 19. Ito’y para sa pe­likula niyang Area sa direction ni Louie Ignacio na nominated namang Best Director.

Co-nominee ni AiAi at makakalaban sa Best Female Actor Narrative Feature ang anak ni Robert Redford na si Amy Redford.

Samantala, kasama si AiAi sa isang episode ng Lenten presentation ng Eat Bulaga. Sa direction ni Joey Reyes, kabilang sa cast sina Paolo Ballesteros, Sinon Loresca, at Allan K.

Barbie, Jak, Ivan, Addy, at Ken hobby ang pagmu-mall show

Ang mag-mall show ang hobby ngayon ng cast ng Meant To Be. ‘Pag walang taping, nasa mall show sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj, at Ken Chan. Kailangan nilang pagbigyan ang mara­ming request na makita sila nang personal dahil ang fans at viewers ang rason kung bakit top ra­ting ang rom-com series nila.

Samantala, tinanggap na ni Barbie ang kanyang award sa 9th Ani Ng Dangal ng National Commission for Culture and the Arts  (NCCA) para sa performance niya sa Laut at nagpanalo sa kanya ng Best Actress sa 36th Fantasporto International Film Festival sa Portugal.

vuukle comment

ADDY

BARBIE

IVAN

JAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with