^

PSN Showbiz

Sam Milby nabiktima ng mga magnanakaw sa Paris

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Grabe naman ang nangyari kay Sam Milby sa Paris. Nakuha ang passport niya matapos siyang subukang pagnakawan ng tatlong kalalakihan sa station ng train pagdating niya sa City of Light. First time pa naman niya sa Paris ayon sa tweet ng actor nu’ng isang araw.

“Landed & took the train to the apartment... Then 3 men tried to rob me at the station. Not the best way to start my first time here in Paris,” unang tweet niya.

“The guys stole my passport thinking it was my wallet,” pahayag niya sa next tweet.

Walang nabanggit si Sam kung kasama niya ang girlfriend niya sa nasabing trip.

Kaya naman sobrang nag-aalala ang kanyang followers na more than 4 million at pinapapunta siya sa Philippine Embassy sa Paris para ma-assist siya sa nawalang passport.

Sarah 14 years na sa showbiz

Wow, fourteen years na pala si Sarah Geronimo sa showbiz. Ang bilang ng simula niya ay nu’ng manalo siya sa Star For A Night. Ang fans ang nagpaalala sa social media, na parang kailan lang nang mag-umpisa si Sarah at kung paanong nag-evolve na ang kanyang career mula sa isang batang singer hanggang ngayong isa na siyang Pop Superstar.

Kahapon din ay kinumpirma na ni Sarah ang nababalitang pagiging mentor niya sa The Voice Teens. Makakasama niya sa pagme-mentor sina Lea Salonga, Sharon Cuneta, and Bamboo Mañalac.

Namahinga siya sa nakaraang season ng The Voice Kids pero ngayon ay balik sa kaabalahan si Sarah.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with