^

PSN Showbiz

‘Di makaporma kay Ria, Joseph takot mabugbog ni Arjo!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ay nagsimula na ang teleseryeng Wildflower na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Vin Abrenica, at Joseph Marco.

Ayon kay Joseph ay mas mapangahas ang kanyang gagawin sa nasabing proyekto kumpara sa nagawa sa Pasion de Amor noong 2015. “Mas mapusok ‘to, kasi I’m paired with napakagaling na artistang si Maja Salvador. Siyempre parang dito, marami kaming kasamang mga veterans and somehow, ang taas ng pressure to the point na kailangan ko talagang mag-step up. Marami silang aabangan. Maraming sexy scenes dito,” pagbabahagi ni Joseph.

Samantala, matapos maugnay kay Alex Gonzaga kamakailan ay sa nakababatang kapatid ni Arjo Atayde na si Ria Atayde naman nauugnay si Joseph ngayon. “Kasi si Arjo, best friend ko for the longest time. And siya siyempre, every time na nakakasama ko si Arjo, nandoon din siya. So parang naging best friend ko na rin siya. Actually, siya na nga lang yata ang babaeng close ako. Kasi wala akong masyadong close na babae. So tini-treasure ko talaga ‘yung friendship namin. Kaya sobrang nakakatawa naman ‘yun. Parang kapatid ko na si Ria,” paliwanag ni Joseph.

“Actually, natatawa lang ako kasi deep inside, alam n’yo sa sarili niyo kung ano talaga. At saka baka bugbugin ako ni Arjo,” dagdag pa niya.

Kakai maraming beses binalikan ni Ahron

Masayang-masaya si Kakai Bautista dahil kabi-kabila ang kanyang mga natatanggap na proyekto. Bukod sa telebisyon at pelikula ay abala rin ngayon ang komedyana sa stage play na Extra Judicial Kidding kung saan kasama niya sina Jon Santos at Rex Navarette. Mapapanood ang nasabing show bukas sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Ngayong Araw ng mga Puso ay kinakailangan daw ni Kakai na magpahinga na lamang bilang paghahanda sa kanyang mga gagawin. “I have to rest kasi sa totoo lang sobrang hirap ng gagawin ko sa show. May tinatapos akong pelikula na supposedly a launching movie kiyeme with Mr. Zoren Legaspi. Tapos I’m doing a movie with Chito Roño. May hinihintay lang ako na mag-start na taping for a show in ABS-CBN. Nagpapasalamat ako sa ABS at GMA na kinukuha nila ako. Hindi naman ako humangad na lumaban pa sa mga pasikatan. Masaya na ako sa narating ko,” nakangiting pahayag ni Kakai.

Matatandaang naugnay ang aktres kay Ahron Villena noon at naging kontrobersyal din ang diumano’y relasyon ng dalawa lalo na sa social media. “Okay naman ako. Lahat naman tayo dumadaan sa gano’n. Actually I know everything about him. I have embraced him as he is, kung sino man siya at whatever. Wala akong bitterness. This guy keeps coming back to me for the nth time. But I don’t think we can work this out anymore,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

VIN ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with