^

PSN Showbiz

Female personality masahol pa sa mga bakla

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa ngalan ng pag-ibig ay kayang gawin ng kahit sino ang kahit ano. Ano bang kilalang-kilala siya, matalino, at mayaman, ano bang may masasabi sa kanya ang marami dahil sa mga ginagawa niya?

Hahamakin ng isang umiibig ang lahat para lang masunod niya ang sinasabi ng kanyang puso. Kaya niyang ubusin ang lahat para lang siya maging masaya.

‘Yun ang naging pasakalye ng isang grupo tungkol sa pagiging sobrang generous ng isang female personality kapag may gusto siyang lalaki. Paliliguan niya ito ng mga materyal na bagay.

Unang sultada ng nasa umpukan, “Ganu’n talaga siya! Para lang makuha niya ang attention ng guy, namumuhunan siya! E, hindi naman kasi masasaktan ang bulsa niya, kasi nga, madatung naman siya!

“Grabe! Nu’ng mataypan niya ang isang male personality, male-maletang branded stuff ang ipinadadala niya du’n sa lalaki. Mismong sa studio pa niya ‘yun ipinadadala sa isang assistant niya, take note!

“Naloloka sa kanya ang guy, hindi niya kasi kayang bilhin ‘yun, isinisingit lang niya sa budget niya ang pagbili sa mga branded shoes and t-shirts na ipinadadala sa kanya ng girl!

“Nu’ng minsan namang type na type niyang makarelasyon ang isang may asawa nang athlete, e, ganu’n din ang ginawa niya! Sus! ‘Yung mga sapatos na pinapangarap lang ng manlalaro, tatlu-tatlo ang padala sa kanya ng girl!

“E, nu’ng mataypan niya ang isang actor-TV host, di ba, male-maletang branded long sleeves and jackets din ang ipinadadala niya? Ganu’n siya, mas masahol pa siya sa bading kung maghatag ng mga regalo!

“Pero ang nakakalungkot lang, namumuhunan siya, pero wala naman siyang napapala! Syukot ang mga lalaki na makipagrelasyon sa kanya! Intimidated sa kanya ang mga natataypan niya!

“Kita n’yo, loveless pa rin siya hanggang ngayon. May-I-pretend siyang may mga nanliligaw sa kanya, pero ang tawag sa kanya ng marami, ilusyunada!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Buhok ni Angel natural na!

Nakausap namin ang grupong namamahala sa pictorial ni Angel Locsin kamakailan para sa isang magazine. Pinatunayan ng aming kausap na hindi wig ang suot ni Angel na lumalabas sa social media, totoong buhok niya ‘yun, napakaigsi talaga ng buhok ng aktres.

Isa pa naman si Angel sa paboritong endorser ng mga shampoo commercials, pero sa isang iglap lang ay nasira ang pinakaiingatan niyang buhok, taon pa ang bibilangin bago ‘yun humaba uli.

Naalala tuloy namin ang isang stage mother. Gustung-gusto nang magpagupit ng buhok ng kanyang anak dahil hirap na hirap na ito kapag naliligo. Sa pagsusuklay pa lang kasi ay halos kalahating oras na ang kinakain nu’n sa napaka-busy nitong schedule.

Pero ayaw ng nanay ng aktres, ang kiyaw ng kanyang mommy, “Tanga! Huwag mong pagugupitan ang buhok mo! Puwede kang kunin sa commercial ng shampoo! Tiisin mo na lang muna ang hirap sa paliligo at pagsusuklay!” payo ng nanay sa kanyang dalaga.

Aba, nagdilang-anghel si mommy, may kumuha ngang endorser ng shampoo sa kanyang anak! Kumita ito nang milyon, pinakinabangan ng aktres ang kanyang paghihintay, tama ang kanyang mommy!

“Kung ganu’n naman kaganda kay Angel Locsin ang masisira ang buhok, e, okey lang! Limitado lang ang ayos ng hair niya dahil sobrang igsi, pero ang ganda-ganda pa rin niya!

“Talaga palang nasira ang hair niya. Ilang inches na lang ang natirang hindi nasira. No choice talaga siya kundi ang pagupitan na lang para gumanda ang tubo kapag humaba na uli.

“Nilagyan na lang ng gel ang hair niya, sinuklay nang maayos, dahil ‘yun lang ang puwedeng gawin sa nasira niyang buhok. Pero hindi ‘yun nakabawas sa natural na ganda ni Angel,” papuri sa aktres ng anak-nakan naming si Ogie Narvaez-Rodriguez.

Ang tunay na magaganda ay hindi namimili ng haba at igsi ng buhok. Kahit nga kalbuhin pa ang tulad nila ay ayos pa rin, lulutang at lulutang pa rin ang kanilang kagandahan, promise!

 

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with