^

PSN Showbiz

Agimat ni Ramon Revilla, Sr. gumana sa kanyang operasyon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Thankful ang Revilla clan dahil tagumpay ang operasyon kahapon kay former Senator Ramon Revilla, Sr. sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Nagpapasalamat ang pamilya ni Mang Ramon, una sa Diyos at pangalawa sa mga nagdasal para sa successful surgery sa kanya. Naniniwala na talaga ako na may agimat si Mang Ramon dahil nalalampasan nito ang lahat ng mga pagsubok sa kalusugan niya.

Present sa ospital si Bong Revilla, Jr. nang operahan ang tatay niya dahil pumayag ang Sandiganbayan Division 1 na dumalaw siya sa ospital.

Alas-siyete ng umaga hanggang 10 a.m. ang oras na ibinigay ng Sandiganbayan kay Bong kaya madaling-araw pa lang kahapon, gising na siya at naghanda para sa pag-alis niya sa Camp Crame.

Babalik si Bong sa ospital ngayong hapon para bisitahin uli si Mang Ramon.

Hindi nakalimutan ni Bong na mag-thank you sa lahat ng mga nagdasal na maging tagumpay ang surgery sa tatay niya.

“Tapos na po ang procedure na ginawa sa aming ama, dating Senador Ramon Revilla, Sr., at ngayon po ay nailipat at nasa ilalim na siya ng pag-oobserba sa ICU.

“Maraming maraming salamat po sa inyong mga panalangin at nairaos po ang operasyon ng walang insidente. The procedure was a medical success! Dahil sa ating sama-samang pagdarasal ay tunay na ginabayan ng Panginoon ang mga doktor na nagsagawa sa kanya ng maselang operasyong ito.

“Hiling ko lamang po ang patuloy ninyong mga dalangin para sa agarang panunumbalik ng kanyang lakas at kalusugan at matagumpay niyang malampasan ang lahat ng ito. Muli, maraming salamat po,” ang pasasalamat na ipinararating ni Bong sa lahat ng mga nagmamahal sa tatay niya at sa kanilang pamilya.

Jawo binantayan din si Mang Ramon

May mga nag-wonder dahil kasama ang PBA legend na si Robert Jaworski sa litrato ng Revilla siblings at ni Mang Ramon.

Marami pala ang hindi nakakaalam na asawa ni Jaworski si Evelyn, ang anak ni Mang Ramon. Si Evelyn ang nakatatandang kapatid ni Bong na nag-vigil din sa ospital habang inooperahan ang kanilang ama.

Sen. Grace Poe tiwala kay Rachel Arenas bilang head ng MTRCB

Walang puwedeng magkuwestyon sa appoaintment kay Rachel Arenas bilang bagong pinuno ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil very much qualified siya.

Sounds familiar ang name ni Mama Rachel dahil anak siya ng socialite at philantrophist na si Rosemarie “Baby” Arenas.

Hindi bago sa public service si Mama Rachel dahil matagal siya na naglingkod bilang house representative ng 3rd District ng Pangasinan. Member din si Mama Rachel ng Board of Governors ng Philippine Red Cross at namana niya ang pagiging philantrophist ng kanyang lovable mother.

Walang nagprotesta sa appointment ni Mama Rachel para sa nasabing puwesto dahil may kakayahan siya pamunuan ang MTRCB. Bagay na bagay si Mama Rachel sa kanyang posisyon dahil number one supporter siya ng mga local television show at Pinoy movies.

Mismong si former MTRCB Chair turned Senator Grace Poe ang nagsabi na “I am confident that she will ably lead the agency towards continuity in the fulfillment of its goal of intelligent and discerning viewership.”

Anytime soon, haharap si Mama Rachel sa mga miyembro ng entertainment press para ipakilala ang sarili at i-share ang magagandang plano niya bilang bagong hirang na MTRCB chair.

vuukle comment

SR.

RAMON REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with