^

PSN Showbiz

Gabby Eigenmann nakipaglaswaan sa lalaki! Margie Moran may payo sa susunod na lalaban sa Miss U, kailangan daw may utak!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Kakaibang gay role ang ginampanan ni Gabby Eigenmann sa pelikulang Swipe na magsu-showing na nga­yong araw. Sabi ni Gabby, ibang bading daw siya sa movie dahil may fetish daw siya  sa paa.

May love scene daw silang dalawa ni Rob Moya na tiyak  na ikakaloka ng mga manonood. Natatawang kuwento ng Kapuso actor, “Fetish ko nga ‘di ba paa? May isang scene dun na instead na mag-love scene kami, naka-focus lang ako sa paa. So, kinain ko ‘yung paa niya.”

Gusto raw niya ng bago sa mga dating ginagawa niya kaya pumayag siyang gawin iyon dahil never pa niya nagawa ang ganun. “I need something to do diffe­rent away from the usual. “Roles naman was never an issue for me. It’s always the project, the story.

“Kahit anong role naman ‘yan eh for me naman that’s why I want to enjoy what I do, because I want to do something different,” dagdag na pahayag ni Gabby.

PAK: Pinaghahandaan na pala ng magka­sintahang Arthur Solinap at Rochelle Pangi­li­nan ang kanilang kasal ngayong taong ito. Wala pa muna silang sinasabi kung kailan ang kasal dahil kailangan pa nilang kausapin ang mga taong involved. Pero sabi ni Arthur, mga third quarter of the year nila ii-schedule ang wedding at depende raw kay Rochelle dahil siya ang masusunod.

Sa Tagaytay nila ito gagawin dahil me­morable daw sa kanila ang natu­rang lugar kung saan sila nagkakilala at malapit din ang lugar na ito sa ama ni Rochelle.

Tingin daw niya ay right timing na itong pagpapakasal nila dahil pareho na nilang gustong bumuo ng pamilya.  “Dun pa lang sa proposal medyo nagmadali na ako na kaila­ngan pakasalan ko na talaga siya.

“Parang kulang eh. Oo magkasama kami lagi, pero gusto ko talaga as one na may children na talaga. Gusto ko marami kaming mga anak,” pahayag ni Arthur.

Pagkatapos daw nilang ma-finalize ang lahat, ia-announce ng magkasintahan ang lahat ng detalye.

Ilan daw sa mga gusto nilang kuning ninong at ninang ay ang mga kasamahan ni Rochelle sa Eat Bulaga kung saan siya nagsimula at ang dati niyang manager na si Joy Cancio.

BOOM: Malaking leksyon daw ngayon sa mga mentor ng beauty contestants ang nakaraang Miss Universe 2016 dahil na-realize raw nilang ka­ilangan talaga ng mga babaeng alam ang mga current issues. Kagaya nitong nakaraang Miss U na lumulutang ang mga kandidatang magaling su­­­ma­­got at alam ang mga nagaganap sa buong mun­do. Hindi na lang kasi ganda at lakas ng dating ang labanan sa ganitong international beauty contest, kundi dapat ay may utak talaga. “Kasi they’re looking for empowered women, tapos ‘yung mga questions nila more political. So, it means you have to really know about current events,” sabi ng 1975 Miss Universe Margie Moran.

Ito na raw ang dapat hanapin sa susunod na Binibining Pilipinas na ilalaban sa Miss Universe o kahit saang international beauty competition.

vuukle comment

GABBY EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with