^

PSN Showbiz

Vin mas marunong umarte kesa kay Aljur

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vin mas marunong umarte kesa kay Aljur
Nicole at Maxine

Tinawagan agad ni Elizabeth Oropesa ang direktor ng Moonlight Over Baler matapos mabasa ang script nito dahil gustong-gusto niya ang karakter na gagampanan.

Sinabi ni La Oro sa direktor na gagawin niya ang project at huwag nang ibigay sa iba ang role.

Alam ni Oro na hindi siya ang first choice pero hindi ito problema sa kanya dahil type na type nga niya ang movie project.

Sa February 8 pa ang playdate sa mga sinehan ng Moonlight Over Baler pero napanood na ito ng ibang mga entertainment columnist na all praises sa acting ni Oro.

Ang sabi nila, malaki ang tsansa ni Oro na magkaroon ng mga acting nomination at manalo ng award dahil sa performance niya sa Moonlight Over Baler.

Lead actor ng Moonlight Over Baler si Vin Abrenica na dual character ang gina­gampanan.

Gaya ni Oro, hindi original choice si Vin dahil para sa kanyang kapatid na si Aljur Abrenica ang project.

Hindi natuloy ang pagbibida ni Aljur sa Moonlight Over Baler dahil naging busy siya noon sa taping ng Kambal Sirena, ang primetime teleserye ng GMA-7.

At bilang hindi na uubra si Aljur, nagpatawag ng audition ang direktor at producer ng Moonlight Over Baler. Sumali sa audition si Vin at siya ang napili para sa challenging role.

Inspired ng mga tunay na pangyayari ang kuwento ng Moonlight Over Baler na tungkol sa isang babae na naghintay sa pagbabalik ng lalaki na nangako na pakakasalan niya kapag natapos na ang World War II.

Nadestino sa ibang lugar ang kasintahan ng babae pero hindi na siya bumalik. May karinderya ang babae at isang araw, may drug salesman na kumain sa tindahan niya at kamukhang-kamukha ito ng mhin na nagbitaw ng pangako na pakakasalan siya at dito nagsimula ang makulay at romantic story ng Moonlight Over Baler.

Madam Auring ipinipilit na nahulaan si Miss France

Inaalipusta nang husto si Madame Auring dahil pumalpak ang hula niya na may letrang P sa pangalan ng bansa ng kandidata na mananalo na Miss Universe sa grand coronation ng beauty pageant noong Lunes.

Lait to the max ang inabot ng manghuhula dahil si Miss France Iris Mittenaere ang nag-win. Ang sey ng mga basher, walang letrang P sa France pero puwedeng makalusot si Madame Auring kung ipipilit nito na Pransita ang Tagalog word ng France.

Maxine naglabas ng emosyon sa kaibigang beauty queen din

Nakita si Miss Universe Philippines Maxine Medina nang magkita sila ng isang kapwa niya beauty queen pagkatapos ng koronasyon ng Miss Universe.

Ang kuwento ng mga eyewitness, nagkaiyakan si Maxine at ang kanyang kaibigan na winner din ng isang beauty title ng Bb. Pilipinas na si Nicole Cordovez.

Mabuti naman, nailabas ni Maxine ang kanyang mga luha dahil mahirap magpigil ng emosyon. Tao lamang si Maxine na marunong masaktan kaya imposible na hindi siya affected ng mga panghuhusga sa kanyang pagkatao dahil sa paraan ng pagsagot ng Pinay beauty queen sa question and answer portion ng 65th Miss Universe.

vuukle comment

ELIZABETH OROPESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with