^

PSN Showbiz

Maxine nakipagsabayan ng atungal kay Miss Venezuela; Miss Canada nanaba sa pagkaing Pinoy!

PIK PAK BOOM - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naniniwala ang sexy comedienne na si Sugar Mercado sa bisa ng dasal kaya nalalagpasan niya ang pinagdaanan sa dating asawa na gustong kunin ang dalawa nilang anak. “Prayers can move mountains talaga. Napatunayan ko po talaga, sobra, Iba talaga kapag Siya ang gumalaw,” pahayag ni Sugar na isa sa ini-launch na endorser ng Tatio Active DX.

Pinatawad na rin daw niya ang dating asawa at ang pamilya nito, kaya pumayag siyang papuntahin ang dalawa niyang anak sa bahay nito. Pero sinasamahan ni Sugar ang kanyang kapatid at isang representative ng DSWD.

“Yung sa akin masaya lang na maasikaso ko ‘yung mga anak ko nang mas mabuti.

“Never ko po siniraan ang tatay nila sa mga anak ko kasi una pong umaano sa akin ‘yung kapakanan ng mga anak ko.

“Kung sisiraan ko po ‘yung tatay nila sa kanila, parang unti-unti ko pong sinisira ang buhay ng mga anak ko,” pahayag pa ni Sugar.

PAK: Kapansin-pansing nadagdagan ng timbang ang ilang kan­didata ng Miss Universe 2016 dahil sa masasarap na pag­kaing inihanda sa kanila rito. Ang isang aminadong medyo tumaba ay ang Miss Canada Siera Bearchell na dating size 4 daw na naging size 6 sa ilang linggong pamamalagi nila rito sa Pilipinas. Kaya pinalitan ang gown niya dahil naging 28 na raw ang waistline niya.

Pero kahit kitang-kita ang katabaan ni Miss Canada, nakapasok pa rin ito sa Top 9.

Talagang nag-enjoy daw ang mga kandidata sa Pilipinas at sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy.

Samantala, marami ang nakakita sa backstage na umiiyak si si Miss Vene­zuela Mariam Habach dahil hindi man lamang ito nakapasok sa Top 13. Na-comfort na lang daw ito ng mga kapwa candidates na kaagad namang tinanggap na ‘Thank you girl’ lang sila.

BOOM: Marami rin ang nakasaksi sa pag-iyak ni Maxine Medina pagkatapos niyang hindi makapasok sa Top 3.

Si Pia Wurtzbach daw ang yumakap kay Ma­xine at pinata­han ito. Pero kaagad namang natanggap ng pamilya ni Maxine na hanggang Top 6 lang ito nakapasok. Sabi ng ina ni Maxine, very proud pa rin daw siya sa kanyang anak at patuloy lang sila na magmamahal sa kanya.

Lalo nga lang dumami ang umalipusta sa kanya dahil ‘di ga­anong impressive ang sagot niya sa Question and Answer portion. Sabi nga ni Margie Moran, sana nag-Tagalog na lang daw si Maxine sa sagot nito.

Samantala, magtatagal pa raw muna si Pia rito ng isang buwan dahil nag-a-apartment hunting pa siya sa New York. Excited ang Miss Univer­se 2015 sa bagong career na haharapin niya sa
Hollywood pagkatapos pumirma sa IMG na siyang may hawak din ng Miss Universe. Very positive si Pia na maganda ang future niya sa Hollywood.

vuukle comment

MAXINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with