Mga performer sa Miss U, laos na?!
Seen : Ang Filipino fashion designer na si Rajo Laurel ang gumawa ng agaw-pansin na gold gown ni Dayanara Torres sa preliminary competition ng 65th Miss Universe.
Scene : Magaling na ang Bell’s Palsy ni Angelu de Leon na nakita kahapon sa isang mall sa Quezon City.
Seen : Hindi nawawala ang pag-asa ni Aljur Abrenica na darating ang araw na matatanggap siya ni Robin Padilla bilang boyfriend ni Kylie Padilla at ama ng magiging anak ng aktres.
Scene: Ang balita na hiwalay na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Winakasan umano ni Ruru ang relasyon nila ni Gabbi pagkatapos ng 18th birthday ng dalaga noong December 2016.
Seen : Ang mga feedback na luma o has been na ang invited performers sa 65th Miss Universe coronation, ang Boyz II Men at ang rapper na si Flo Rida.
Scene : Ibinigay na kahapon kay Elha Nympha ang susi ng bahay sa Camella Homes na isa sa mga premyo niya bilang grand champion ng The Voice Kids 2.
Seen : Mga Pinoy made gown ang gagamitin nina Miss Universe 2014 1st runner up Nia Sanchez at Miss Universe 2015 2nd runner up Olivia Jordan sa lahat ng activities nila sa 65th Miss Universe.
- Latest