^

PSN Showbiz

Pia mas pinili ang jet ni Gov. Chavit kesa sa kotse ni Marlon

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pia mas pinili ang jet ni Gov. Chavit kesa sa kotse ni Marlon
Chavit at Pia

MANILA, Philippines - Idinaan na lang sa biro ni Miss Universe Pia Wurtzbach ang siguro’y pang-aasar or meme or baka naman pagmamalisya sa kanya sa social media tungkol sa photo nila ni ex-governor Chavit Singson habang sakay sa isang private jet papunta ng Cebu three days ago.

Nakalagay kasing ‘caption’ sa picture nila ni Papa Chavit ang ‘Panis ang Car Guy sa Private Jet Guy’ na ni-retweet ni Pia at nag-comment pa ng ‘Sorry @imstockinger si gov parin” na naka-tag ang boyfriend na car racing driver, si Marlon Stockinger.

Kaya naman napa-react ang boyfriend ng “But I won you though” na may kasamang emoticon na may luha.

Nag-panic din siguro ang car racer dahil kilala talagang mahilig sa maganda ang dating governador sa biro ng GF na financier sa gaganaping Miss Universe sa bansa.

Arci Muñoz

Arci at Bela parang nagkasundo sa pakikipag-break!

Sino kaya ang susunod na aamin na nakipag-break na sila sa kanilang matagal na boyfriend?

Nauna nga si Arci Muñoz at sumunod si Bela Padilla.

Si Arci ay umamin sa isa sa media event ng pelikula nilang Extra Service  (Coleen Garcia and Jessy Mendiola) na wala na nga sila ng boyfriend niya na si Badi del Rosario anak ng Prince of Brunei. Tulad niya, isa ring rakista ang nakahiwalayan niyang BF.

And the other night, si Bela naman ang nagkuwento na break na rin sila ni Neil Arce na isa namang movie produ and businessman.

Pareho ang mga sinabi nilang hanggang ngayon ay in good terms sila sa mga ex nila.

May susunod pa kaya?

Or nag-usap kaya sina Arci at Bela?

Anyway, naganap ang pag-amin ni Bela sa media launch ng seryeng papalit sa Till I Met You (nina James Reid and Nadine Lustre), ang My Dear Heart na pinagbibidahan nila ni Zanjoe Marudo.

Puyat at diet pa

Ibang Miss U candidates wala nang freshness ang hitsura

May lakas pa kaya ang mga kandidata ng Miss Universe sa coronation night sa January 30?

Bukod sa nababalitang may ilang kandidatang nahimatay na sa pagod, ngarag na rin ang mga hitsura nila sa mga social media post na nagkalat.

‘Yung iba, parang rough na rin ang skin sa puyat.

Sana naman bigyan din sila ng pahinga para naman maka-recover.

Siyempre lagi pang naka-heels eh nakakapagod din magsuot nun. ‘Di naman sila puwedeng kumain ng marami so diet din. Kaya ang ending talagang hihimatayin sila dahil nauubusan na ng lakas.

Saka ‘wag din sana silang tanungin ng “Do you love the Philippines” ng ilang nagko-cover dahil automatic na ang isasagot nila ay yes. Alangan namang mag-nega sila ngayong nasa bansa sila?

Wait natin na matapos ang pageant at makauwi sila sa kani-kanilang bansa at tiyak may kanya-kanya silang emote. Ngayon siyempre nakikisama pa sila at takot ma-bash.                 

vuukle comment

MISS UNIVERSE PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with