^

PSN Showbiz

Matteo hindi tinotoo ang bed scene sa ex-gf

ARANGKADA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida si Matteo Guidicelli sa isang action film. Dapat sana ay para sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang Across the Crescent Moon na pinagbibidahan ng aktor pero sa January 25 na ito maipalalabas sa mga sinehan.

Ayon kay Matteo ay ginawa niya ang lahat upang maging maayos ang pelikula maliban sa isang bagay. “Sabi ko sa kanila, ‘Lahat ng stunts direk, sabihin mo sa stuntman na upo na lang siya at ako na bahala sa lahat.’ I said yes to everything except ‘yung one scene, ‘yung love scene. We didn’t have to do the love scene kumbaga. So we still did it but not physical love scene that I used to do in Paraiso. Hindi naman sa hindi na pwede. Siyempre I also respect my girlfriend. This is my belief and I respect my girlfriend. I thought it could be done in different ways. It turned out well,” pagbabahagi ng aktor.

Si Alex Godinez na dating kasintahan ni Matteo ang katambal ng binata sa pelikula na sinasabing pinagselosan diumano ng kasintahan ngayon na si Sarah Geronimo. “Hindi totoo, hindi naman nagselos. Si Alex dating friend ko, hindi lang friend kundi ex-girlfriend ko. What’s nice is that we kept that close relationship together and we remain friends until today. Meron kaming bed scene, sleeping scene. I told Sarah in the beginning that this leading lady I’m going to have is my ex. So she was okay with it and okay naman. Walang kissing scene. Hindi naman sa ayaw pero wala sa script eh. As of now, hindi naman kailangan so nagawa naman sa ibang anggulo from the cinematography,” paglilinaw ni Matteo.

Ayon pa sa aktor ay nagkakilala na rin kamakailan sina Sarah at Alex. “Na-meet na rin siya ni Sarah because Alex is the pamangkin of tito Martin Nievera. So ‘pag may gatherings minsan, we’re together,” pagtatapos ng aktor.

RITZ TAKOT sa mga lalaki

Kailan man ay hindi pa raw nagkakaroon ng kasintahan si Ritz Azul. Natatakot na masaktan ang dalaga kaya hindi pa naiisipang magnobyo. “Kasi natatakot na rin ako. Sa edad kong 23, parang masyado akong naging choosy ngayon. Saka mas iniisip ko ‘yung career, ‘yung opportunity na natanggap ko. Mas iniisip ko ‘yung future na sayang naman ‘to. Kasi makakapaghintay naman din saka darating sa tamang panahon ‘yung mga gano’n,” nakangiting pahayag ni Ritz.

Para sa dalaga ay hindi naman din magiging sagabal sa trabaho kung sakaling magkakaroon siya ng kasintahan. “Tingin ko naman hindi, depende do’n sa magiging boyfriend. Sa akin kasi mas hinihintay ko po ‘yung panahon na magsabi, ‘yung oras. Kasi tingin ko ngayon, mas pumo-focus ako sa kung anong dapat kong magawa,” giit ng dalaga.

Samantala, malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng The Promise of Forever na pinagbibidahan nina Ritz at Paulo Avelino.

 

vuukle comment

MATTEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with