^

PSN Showbiz

Andrea sa social media idinadaan ang buwelta kina Sef at Maine

SHOOTING STRAIGHT - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May mga nagdududang merong pinatatamaan si An­drea Torres sa kanyang mga tweet dahil parang may laman ang sinabi nitong “Before a sec­ret is told, one can often feel the weight of it in the atmosphere.” May mga tweet pa ang aktres na hindi na namin mahanap, binura na ba niya ito o na-miss lang namin?

Nagsimula ang cryptic tweets ni Andrea nang lumabas ang isyu sa boyfriend niyang si Sef Cadayona at Maine Mendoza. Indirectly na itinanggi ni Sef ang tsismis at dedma naman si Maine na mas magandang reaction para hindi na lumaki ang isyu.

Noong ma-interview namin si Andrea sa taping ng Alyas Ro­binhood, parang indirectly ding nabanggit ng aktres na break na sila ni Sef. Hindi nga lang nito sinagot ang follow-up questions ng press at naka-hang ang sagot niya.

Nang tanungin si Sef sa nabalitang break-up, itinanggi rin at nabanggit niyang three years na ang relasyon nila ni Andrea na noon lang nito inamin. Iwas-pusoy kasi lagi ang dalawa ‘pag tungkol sa kanilang relasyon ang itinatanong.

Janine at Mikael pinagbigyan

Si Mikael Daez pala ang leading man ni Janine Gutierrez sa bagong soap ng GMA-7, ang legal drama na Legally Blind. Nakakagulat dahil marami pala ang may gusto na pagtambalin ng network ang dalawa.

Si Ricky Davao ang director ng Legally Blind na mukhang panghapon ang time slot dahil puno ang primetime slot ng network. Rape victim na mabubulag ang role ni Janine rito at understandable kung ituring niya itong most challenging role niya.

Tommy at Miho touchy sa isa’t isa

Napanood namin ang video ng mall tour ng cast ng Foolish Love sa Star Mall Alabang para i-promote ang Regal Films movie na showing sa January 25. Pinagkaguluhan si Miho Nishida habang kumakanta. Hindi naman namin nakita sa video si Tommy Esguerra.

First movie nina Miho at Tommy ang Foolish Love at matutuwa ang dala­wa dahil pumasa sila kay direk Joel Lamangan. Nagulat ang director dahil marunong silang umarte at hindi siya nahirapang ipagawa ang mga eksena na kailangan para gumanda ang pelikula.

Lalong walang naging prob­lema si direk Joel sa kissing scene ng ToMiho love team, nakipagsabayan sila kina Jake Cuenca at Angeline Quinto.

Sabi nga ni Tommy, kung ano’ng hiningi ni direk Joel ay ginawa nila.

Wala pang balak magpakasal sina Tommy at Miho dahil focus muna sila sa gumaganda nilang career. Si Miho nga, magda-dance lesson pa raw at mag-aaral ng English sabi ni Tommy. ‘Wag natin silang madaliin, basta ang nakita namin sa presscon, sweet sila at touchy.

Robin, Lupang Hinirang ang ipinanghehele sa anak nila ni Mariel

Ang cute ng video na karga ni Robin Padilla ang anak na si Isabella na pinaaarawan at iniikot sa napakalaki nilang bahay ni Mariel Rodriguez. Ang tagal na kasing hindi nakikita si Robin na may kargang baby at sarili niya pang anak. Kaya tuwang-tuwa sa kanya ang nakapanood ng video na as of yesterday ay umabot na ng 324,552 views.

Nakatawag lang ng pansin sa netizens ang music na ginamit sa video na ang National Anthem nating Lupang Hinirang. Hindi lang background music ‘yun dahil towards the end, sumabay kumanta si Robin at ibig sabihin ay live na tumutugtog ito.

Maganda ang comments ng netizens sa gi­nawa ni Robin dahil maaga raw nitong iminumulat ang anak nila ni Mariel sa pagiging makaba­yan. Ang concern lang nila, baka ma-miss ng bata na makarinig ng lullaby kung mga awiting ma­kabayan ang laging maririnig.

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with