^

PSN Showbiz

Angeline mabilis na bumigay kay Jake!

ORA MISMO - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maswerte ang Regal Films ni Mother Lily at Roselle Moteverde. Nagawa nilang pagtambalin sa isang pelikula ni Joel Lamangan ang ma-­ ­­­g­a­ling na singer na si Angeline Quinto at ang equally magaling ding aktor na si Jake Cuenca. Isang romcom ito na may pamagat na Foolish Love, ang unang proyekto nina Jake at Angeline na magkasama at ng magkapareha rin sa tunay na buhay nina Tommy Esguerra at Miho Nishida, mga alumni ng Pinoy Big Brother.

Magkakasama ang apat sa movie. Hindi naging problema ni Direk Joel sina Angeline at Tomiho, sa mahusay niyang pamamatnubay ay napaarte ang tatlo, lalo na ang singer na nari­nig na niyang nakakaarte pero ngayon lamang niya na napatunayan na totoo nga. Ang Tomiho naman kahit masasabing mga baguhan ay lumevel na sa kanilang mga co-star. Pare-parehong may love scenes at kissing scenes ang magkaka-loveteam sa movie. Hindi bale ang Tomiho dahil talagang may relasyon sila pero, si Angge ay bumigay agad sa unang pagpapareha nila ni Jake. 

Pepe pinatay dahil sa ‘sakit’

Wala kayang epekto kay Pepe Herrera ‘yung napakalakas na clamor sa kanya ng mga manonood ng FPJ’s Ang Probinsyano at hindi pagsang-ayon ng lahat ng manonood ng serye na mamatay ang character niyang si Benny, ang sidekick at BFF ni Cardo (Coco Martin)?

Buti na lamang at nagbigay agad ng paliwanag ang ABS-CBN tungkol sa dahilan ng kanyang pagkamatay dahil kung hindi ay siguradong magagalit ang manonood at baka lumipat na ng ibang panoorin sa TV. Ganun kalakas ang impact na ginawa niya sa show.

Hindi lang naman sasamahan ni Pepe ang kanyang ina sa pagpapa­galing nito ng kanyang karamdaman sa pamamagitan ng bakasyon, siya rin ay nangangailangan ng pahinga dahil may ilan siyang sakit na natuklasan after niyang magpadoktor. Balik ka, Pepe.

Karla initsapwera ang ibang tatay ng mga anak!

Marami ang humanga kay Karla Estrada nang hindi ito pumayag na makasama sa kanyang biopic na itinampok sa Maalaala Mo Kaya kagabi ang mga lalaking naging bahagi ng kanyag buhay pag-ibig. Matangi kay Rommel Padilla na nakilalang ama ni Daniel Padilla, ang mga ama ng iba pa niyang anak ay hindi na niya pinangalanan pa at isi­nangkot pa sa kanyang episode sa MMK.

Kung inaakala ninyo na magiging boring ang istorya niya minus her lovelife, aba eh nagulat ang marami dahil marami palang highlight ang buhay niya kasama ang pagtatagpo nila ng kanyang amang Amerikano na akala ay namatay siya nang ipanganak pero, binigyan pa siya ng mga ari-arian. Lumelevel up na si Karla kay Daniel dahil marami na siyang naka-lineup na project gaya ng pelikula at serye sa TV.

vuukle comment

ANGELINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with