^

PSN Showbiz

Richard pinaghahandaan ang mga manliligaw ng anak!

K KA LANG? - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Aliw basahin ang caption ni Cong. Lucy Torres-Gomez sa pinost nitong magasin kung saan cover ang anak nila ni Ormoc City Mayor Richard Gomez.

“P.S. Dear @richardgomezistagram, Dugangi ang mga iro palihug #gikulbaanintawanangamahan.”

Ang ibig sabihin, dagdagan daw ni Richard ang aso na magbabantay kay Juliana at kinakabahan na si Richard.

Ang ganda naman kasi si Juliana na pinag­halong Richard at Lucy ang mukha, matangkad at maganda ang kutis. Tiyak marami ang manliligaw kay Juliana at ngayon pa lang, pinaghahandaan na sila ni Richard.

Pinost din ni Richard sa Instagram (IG) ang picture ni Juliana at itinabi sa picture niya. “OMG!” lang ang reaction nito at si Juliana na ang nagtapos ng gustong tukuyin ng ama na “omg twins???”

Ipinagmalaki rin ni Lucy na fluent sa Bisaya o salita ng Ormoc si Juliana at hindi ito mabebenta at lalong hindi maloloko.

Dingdong gusto na uling mag-produce ng pelikula!

May picture si Dingdong Dantes na pinapanood ang TVC nina Marian Rivera at Zia para sa Johnson na ilu-launch this Sunday. Hindi lang kami sure kung sabong pang-baby pa rin ang TVC o kung ibang Johnson product na dahil lumalaki na rin si Zia.

Hindi nauubusan ng kuwento ang bida ng Alyas Robin Hood tungkol kay Zia, hinahanap na raw nito sila ni Marian lalo na sa umaga. Ang dami na raw alam na tricks ng anak at nakakaaliw itong pagmasdan.

Gaya sa ibang tao, aliw din si Dingdong na makita ang twinning moments ng kanyang mag-ina, na pareho ang suot na damit, swimsuit at pati yata footwear.

“They really look good together. Kaya nga, kapag kinukunan ko sila ng picture, sobrang gandang-ganda ako. Kapag nakikita ko silang terno parang like mo­ther, like daughter,” kuwento ni Dingdong.

Nabanggit pa ni Dingdong na hindi lang ang pagiging fashionista ni Zia ang tinuturo ng ina kundi ang pagiging mabuting tao.

Friendly daw si Zia kapag nakakaharap ang maraming tao. Ngumingiti, kumakaway at nakikipag-communicate sa mga kaharap.

Dahil masaya ang personal life, masaya ring mag­trabaho si Dingdong at maraming projects siyang sinabi this year. Kasama rito ang pagiging active muli ng Agosto Dos Productions, ang film outfit niya at looking forward ito to more TV projects ‘pag nagtapos ang Alyas Robin Hood.

Bryan abala sa pagiging travel blogger

Pangarap ni Bryan Termulo na maging high school teacher, kaya kumuha siya ng Supplementary Education kahit tapos na siya ng kursong Communication Arts sa Trinity University of Asia.

Bagay na bagay na si Bryan ang kinuha ni Ms. Aileen Choi-Go na pangu­nahan at maging face ng School Is Cool advocacy campaign ng Megasoft Hygienec Products na si Bryan ang newest brand ambassador.

At least, ‘pag nagsalita si Bryan sa mga estudyante sa importance ng education, he is talking from experience at ang sarili niya ang kanyang example. Nabanggit ni Ms. Aileen na this year, maraming schools silang bibisitahin.

Nakakainggit pala si Bryan dahil noong wala siyang TV project, nagbiyahe siya at nakabisita ng 11 countries. Lalo pang nainggit ang mga reporter sa sinabi nitong less than P30,000 ang ginagastos niya sa one country na binibisita niya. Paano niya ito ginagawa? Tanungin n’yo si Bryan.

Naka-post sa kanyang travel blog na LakBryan sa YouTube ang experience niya at proud nitong kinuwento na siya na rin ang sumusulat ng script, nag-i-edit, naglalagay ng music. Ang next target puntahan ni Bryan ay South America.

vuukle comment

RICHARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with