^

PSN Showbiz

Huwag mag-ilusyon Julia kaibigan lang talaga si Coco!

WHAT MATTERS MOST - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maliwanag ang binitawang salita ni Julia Montes nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda at muling ma­tanong sa matagal nang pinag-iilusyunang isyu ng marami tungkol sa totoong relasyon nila ni Coco Martin. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi ni Julia na “Nang magsimula ang aming friendship....” na tinapos niya sa pagsasabing brillant ang kan­yang kaibigan. 

Idinagdag din ng kabataang aktres na ang seryeng Doble Kara na tumatakbo na ng mahigit isang taon ay magkakaroon pa ng maraming pa­sabog kaya hindi niya prayoridad ang lovelife. Mas gusto niyang mag-focus sa trabaho na dumarating sa kanya.

Sa Marso, mukhang babalik ng bansa ang kanyang German father na ka­ilan lamang niya naki­lala sa pamamagitan ng fans nila ni Coco Martin. Isang larawan nilang mag-ama na magkasama nung maliit pa siya ang na­ging tulay para makilala niya ito. Ang pag-uwi rito ng kan­yang biological father ay isa na marahil sa pinakamasayang pangya­yari sa kanyang buhay. Bukod sa nakilala niya ito ay nakilala rin niya ang pamilya nito, ang asawa at mga kapatid niya sa ama na mabilis nahulog ang loob sa kanya.

Hindi siya mahilig sa alahas, pero suot-suot niya ang kuwintas na bigay sa kanya ng ama. Si Coco din ay naging vocal sa kanyang saya sa pagkikita ni Julia at ng kanyang ama.

Grae niregaluhan ng mamahaling bag si Andrea

Baka malungkot si JK Labajo kapag nabatid na hindi siya kundi si Grae Fer­nandez, anak ni Mark Anthony Fernandez, ang gustong makapareha sa susunod na project ni Andrea Brillantes. Binigyan pa ito ng isang mamaha­ling bag ng apo ni Rudy Fer­nandez noong Pasko na madalas niyang ginagamit. Sayang at hindi siya ang kapareha ni JK sa seryeng A Love To Last, pero sila ang ibini-build up na loveteam ng ABS-CBN.

Daiana umaasang magkaka-career uli

Mababalikan na ni Dai­ana Meneses nang matahimik ang kanyang trabaho sa showbiz ngayong divorced na siya sa kanyang asawang pulitiko. Dati kasi noong mag-asawa pa sila ay kailangan pa niya ng permiso mula rito para sa anumang bagay na gagawin niya kasama na ang may kinalaman sa karera niya at pagnene­  gosyo. May reality modeling show siya na ihu-host sa GMA, ang The Fiercest of Them All na magsisimula na sa Marso 5.

Umaasa ito na mababalikan niya nang buong-buo ang kanyang napaba­yaang karera.

Mommy D naunahan pa ang mga bagets kay Derek!

Gagawa pala si direk Joven Tan ng launching movie ni Dionisia Pacquiao, ina ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao. At huwag n’yong hamakin dahil ang hunk na si Derek Ramsey ang makakatambal nito. Naunahan pa niya ang ibang kabataang aktres na makasama ang hunk actor.

Nagsimula na namang magparamdam ang ina ng boksingerong kampeyon nang makasama ito sa cast ng movie na  nagtatampok kina Marco Masa, Raik­ko Mateo, at Lyca Gairanod na Tatlong Bibe. Nakipagsabayan ito ng akting kay Eddie Garcia. Para lamang siyang isang pulitiko na laging may bantay na bodyguards.

 

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with