^

PSN Showbiz

Gary umaakting na rin sa pagiging jury?!

SHOOTING STRAIGHT - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Anyare kay Gary Valenciano ang tanong ng bayan dahil may acting na ang pagiging jury niya sa pilot episode ng Your Face Sounds Familiar Kids. Kung natural na jury na si Sharon Cuneta, over acting na ang mga kilos at pananalita ni Gary.

SCENE: Sa rami ng mga artista na natulungan ni German Moreno, iilan na lamang ang nakaalaala na kahapon ang unang anibersaryo ng pagpanaw niya. Sina Patricia Javier at Tina Paner ang dalawa sa maraming natulungan ni Moreno na bumisita sa puntod niya sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

SEEN: Hindi makapaniwala si Sheena Halili na imbitado siya sa kasal ni Camille Prats noong Sabado sa Nayomi Sanctuary Resort, Batangas dahil pinapanood lamang niya dati ang aktres sa pelikula nito na Princess Sarah.

SCENE: Bumili ng bagong bahay sa Ayala Alabang si Piolo Pascual para magkasama-sama na sila ng pamilya niya pero may unit pa rin siya sa isang condominium building sa Makati Avenue, Makati City.

SEEN: Mahihirapan si Christian Bables na makawala sa kanyang transgender woman character sa Die Beautiful dahil iniimbitahan siya sa mga television show bilang Barbs at hindi bilang Christian.

SCENE: Nagpatubo ng bigote at balbas si Ken Chan para sa role niya sa Meant to Be ng GMA-7. Ni-reinvent ni Ken ang sarili dahil matagal bago siya nakawala sa kanyang Destiny Rose character at nangyayari ngayon kay Christian Bables ang naranasan niya nang gumanap siya na transgender woman sa afternoon soap ng GMA-7.

SEEN: Hindi promo o publicity para sa Extra Service ang pag-amin ni Arci Muñoz na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na anak ng prinsipe ng Brunei.

SCENE: Introducing si Enzo Pineda sa Extra Service ng Star Cinema. May follow up movie na si Enzo sa Star Cinema dahil kasama siya sa cast ng horror movie na pagbibidahan ni Kim Chiu at sa direksyon ni Chito Roño.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with