^

PSN Showbiz

Mocha ipinalit lang kay Bayani!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napanood namin ang TV interview kay Mocha Uson kung saan sinabi niyang hindi siya tatanggap ng suweldo bilang isa sa board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Kung tama ang natsika sa aming suweldo ng board member ng MTRCB at kung pare-pareho ang suweldo sa kanila, P40,000 monthly din ang inayawan ni Mocha. Ibibigay daw niya sa Duterte’s Kitchen ang dapat ay salary niya.

Si Mocha kaya ang ipinalit kay Bayani Agbayani na tinanggihan ang appointment na maging board member? Valid ang reason ni Bayani kung bakit hindi niya tinanggap ang appointment, hindi siya makakapagtrabaho habang nasa MTRCB siya dahil full time job ito.

Bukod sa comedy show, kasama siya sa isang teleserye ng ABS-CBN, may mga out of town at out of the country shows din na offer kay Bayani.

Binabatikos si Mocha, pero may mga nagtatanggol din sa kanya kabilang si Sen. Tito Sotto na pumabor sa appointment sa kanya na maging MTRCB board member.

Iya gusto na uling magbuntis

Nagpa-sample sina Drew Arellano at Iya Villania kung paano tatakbo ang iho-host nilang game show na People Vs. The Stars na mapapanood simula January 15, every Sunday, 5-6 pm.. Sa mga sasali, makinig at isiping mabuti ang tanong bago sumagot dahil kahit simple, tricky ang question na magpapanalo at magpapatalo sa inyo.

Pero tama sina Drew at Iya na masaya ang game show, kakaiba ang concept, mag-i-enjoy ang contestants at viewers at sasali sa pagsagot.

Sina Alden Richards, Kristoffer Martin at Derrick Monas­terio ang contestants sa pilot episode at mapapatunayan sa guesting ng tatlo na walang conflict sina Alden at Derrick dahil kay Maine Mendoza.

Anyway, ang bilis lumaki ni Primo, ang first child nina Drew at Iya, humihirit na nga ng kasunod na baby si Drew kay Iya. Game na sumagot si Iya at sinabing naka-recover na siya sa pagsisilang kay Primo at okay na siyang sundan nila si Primo.

Gusto nila na baby girl ang susunod, pero okay na okay pa rin sa kanila kung baby boy pa rin ang magiging second baby nila.

Paolo bff na ang nanay ng anak

Nasa bansa at nagbabakasyon ang anak ni Paolo Bal­lesteros na si Keira at ang ina nitong si Katrina Nevada. Ten days lang dito ang mag-ina at susulitin ni Paolo ang pagbisita nila at ngayon lang uli sila magkakasama. Birthday at Christmas wish last year ni Paolo na makasama ang anak, at least, kahit late na at 2017 na dumating sina Keira at ang mommy nito, natupad pa rin ang wish ni Paolo.

Maganda ang relasyon nina Paolo at Katrina, friends sila kahit hindi magkasama at nag-comment pa nga si Paolo na parang kinikilig sa pinost ni Katrina na picture ng American boyfriend nito ngayon.

May video rin sina Paolo at Katrina na nagdu-duet ng Dadalhin Kita ni Regine Velasquez. Ang ganda- ng message ni Katrina kay Paolo, nagbalik-tanaw ito during their college days, habang kumakain daw sila sa McDo, sinasabi na ni Paolo na gusto nitong maging artista.

“But now you’re more than just an actor!!! #bestactor #bestdaddy #bestfriend,” dagdag na message ni Katrina kay Paolo.

Ken bistado na ang style kay Barbie

Itinanggi ni Ken Chan ang akusasyon ng fans nina Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner na binabakuran niya si Barbie Forteza para hindi makadikit ang tatlo at hindi maging close sa leading lady nila sa rom-com series na Meant To Be na airing na bukas, after Alyas Robin Hood.

Nahalata ng fans nina Ivan, Addy at Jak sa mall shows, pictorial at TV guesting ng cast na lagi raw nakadikit si Ken kay Barbie at naiitsapuwera ang tatlo. Nag-isip tuloy kami dahil sa presscon ng Meant To Be, si Ken nga ang katabi ni Barbie.

Samantala, may mall show mamayang 5pm., sa Robinsons Novaliches sina Barbie, Ken, Jak, Ivan, Addy, Mika dela Cruz at Sef Cadayona.

vuukle comment

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with