^

PSN Showbiz

Maja ilagagay sa pang-hapon! Dating singer na si Leah Navarro nanggagalaiti sa MTRCB

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Lumitaw ang double chin ni Kim Domingo sa mga eksena niya sa Mang Kepweng Returns dahil hindi naalagaan ng direktor ang mga anggulo niya.

SCENE: Sinorpresa ni Vhong Navarro ang audience ng Mang Kepweng Returns sa Cinema 1 ng TriNoma noong Huwebes.

SEEN: Bitter na bitter ang ageing singer na si Leah Navarro sa appointment ni Mocha Uson bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Gamit na gamit ni Leah ang freedom of speech sa mga panglalait niya kay Mocha.

SCENE: Nakahanap ng kakampi kay Arnell Ignacio si Mocha Uson. Mapapahiya ang mga nangmamaliit kay Mocha kapag nalaman nila na galing siya sa disenteng pamilya.

SEEN: Ang mga early prediction na kakabugin ni Awra ang mga bata na kalaban niya sa Your Face Sounds Familiar Kids ng ABS-CBN dahil sa kanyang impersonation talent.

SCENE: Dala-dala ni Iya Villania sa mga taping nito  ang kanyang anak na si Primo dahil bini-breast feed niya ang panganay nila ni Drew Arellano.

SEEN: Sa September 2017 pa ang playdate ng Ang Larawan, The Movie pero maaga na inilabas ng mga producer ang teaser ng pelikula na tinatampukan nina Rachel Alejandro, Ogie Alcasid, Paulo Avelino, Zsa Zsa Padilla at Joanna Ampil.

SCENE: Ang mga suggestion noon na isali sa 42nd Metro Manila Film Festival ang Ang Larawan, The Movie. Tiyak na ang pelikula ang humakot ng mga parangal kung naging official entry ito sa MMFF 2016.

SEEN: Hindi na ibabalik ang karakter ni Maja Salvador sa Ang Probinsyano dahil may sariling teleserye na siya sa ABS-CBN, ang Wildflower. Pang-hapon na programa ng Kapamilya Network ang revengeserye ni Maja.

SCENE: Leading men ni Maja Salvador sa Wildflower sina Joseph Marco at Vin Abrenica. May importanteng papel sina Tirso Cruz III, Aiko Melendez, at Wendell Ramos sa Wildflower.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with