^

PSN Showbiz

Coco marunong lumingon sa pinanggalingan, Maxine physically prepared na sa Miss U, Q&A na lang ang dapat paghandaan

SHOW-MY - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Shandi Bacolod ang pangalan ng gay na tumanggap ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award for Excellence para sa Oro sa Gabi ng Parangal na ginanap sa Kia Theater noong December 29. Hindi pinasalamatan ni Bacolod ang namayapang aktor at ang kapatid nito na nag-abot sa kanya ng parangal.

SEEN: Sinalubong nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa Boracay island ang pagpasok ng 2017. Kasama nila sa Boracay vacation ang kanilang anak na si Zion at ang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

SCENE: Mas magaling sumayaw kay Pops Fernandez ang kanyang ina, ang former actress na si Dulce Lukban. Cute ang Instagram video na nagsasayaw sina Pops at Dulce nang ipagdiwang nila ang Bagong Taon.

SEEN: Hindi nakalimutan ni Coco Martin na imbitahan sa bahay niya at makapiling sa pagpasok ng 2017 ang mga tao na tumulong sa kanya noong struggling actor pa lamang siya.

SCENE: Magaganap ngayong 2017 ang television comeback ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas. Matutuwa ang fans ni Alfred dahil sa television show na pinili niya bilang comeback vehicle.

SEEN: Malaki ang iginanda ni Miss Universe Philippines Maxine Medina sa bagong pictorial niya. Physically prepared na si Maxine sa 65th Miss Universe kaya ang interviews, question and answer portion na lamang ang mga dapat na paghandaan niya sa sasalihan na international beauty pageant.

SCENE: Nakalabas na mula sa rehabilitation center si Jam Melendez, ang half-brother ni Aiko Melendez. Kimi at lalong naging mahiyain si Jam nang makalaya. Anak si Jam ng character actress na si Deborah Sun at ng namatay na aktor na si Jimi Melendez.

vuukle comment

FERNANDO POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with