^

PSN Showbiz

Pepe herrera maraming nadiskubreng sakit

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Mukhang matatagalan bago makitang uli si Pepe Herrera after FPJ’s Ang Probinsyano. Isinugod siya sa ospital dahil sa over fatigue. Bukod kasi sa taping ng AP ay kasama rin siya sa musical na Sa Wakas at panay ang rehearsal dahil palabas na ito simula January 12.

Bukod sa labis na kapaguran, lumabas din sa resulta ng kanyang mga medical tests na marami siyang sakit na dulot ng stress - blood sugar, reproductive system, acid reflux, atbp. Kailangan niya ng pahinga kaya magbibiyahe sila ng kanyang ina na kagagaling din sa sakit sa baga at puso sa ibang bansa. Aalis sila pagkatapos ng Sa Wakas.

Multi-talented si Pepe, bukod sa pagkanta at pag-arte ay tumutugtog din ito ng gitara at drums.

Si Johnny Manahan ang nakadiskubre sa kanya sa Rak of Aegis.

James mahihirapang lumipat

Isa sa masasabing napakagwapong aktor na si James Blanco ay balak palang mag-migrate sa New Zealand. Citizen ng nasabing bansa ang kanyang maybahay of 15 years kaya hindi sila mahihirapan ng paglipat.

Kasama si James sa cast ng Mang Kepweng Returns ni Vhong Navarro. Hindi rin siya nawawalan ng project dahil magaling siyang umarte.

Kahit makaalis sila ay gagawa pa rin siya ng project dito kapag may offer.

Taxi driver na ’di dapat tularan

2017 na! Sana may pagbabago namang maganap sa ating buhay para sa ating pansariling kasiyahan at ng mga taong nakapaligid sa atin. Huwag kayong tumulad dun sa taxi driver na nasakyan ko noong Huwebes, Dis. 29, 9:05 ng gabi sa paradahan ng SM Fairview. Mga P70 lang ang metro mula sa SM hanggang sa aking lugar sa North Olympus, Zabarte Rd, pero P120 ang lagi kong inaabot. Nagbigay siya ng presyong P150 na kalahati sa presyong dapat kong bayaran. Wala akong choice dahil parang pila sa sine ang pila ng mga naghihintay ng taxi. Habang nakasakay ako ay panay ang reklamo ko tungkol sa pang-aabuso ng ikalawang klase na tao na kinamumuhian ko dahil mas nakakalamang ang salbahe sa mabait.

Chill lamang siya bukod sa pagsasabing puwede naman akong huwag sumakay sa kanya. Oo nga naman, pero abusado pa rin siya. May parusa kaya para sa kagaya niya na may taxi na may plakang ALTED ASA 6009?

Happy New Year!

vuukle comment

PEPE HERRERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with