^

PSN Showbiz

Dawn break muna sa showbiz!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Dawn break muna sa showbiz!
Dawn

PIK: Suportado si Ruffa Gutierrez ng close friends nito sa loob at labas ng showbiz nang i-launch ang libro niyang The Truth and Lies My Mother Told Me na ginanap sa Sugar Factory ng Shangri-La The Fort  kamakalawa ng hapon. Isa sa mga close friends niyang dumalo si Dawn Zulueta na break daw muna ngayon sa showbiz.

Nagkaroon kami ng quick tsikahan kay Dawn at napag-usapan namin ang pagkakadawit ng leading man niyang si Richard Gomez sa isyu ng droga sa Western Visayas pero naabswelto bandang huli. Sabi ni Dawn, isa raw siya sa hindi naniniwalang sangkot sa ganung illegal na gawain si Goma.

“I found it very hard to believe,” pakli ng maganda at magaling na aktres. Kaya isa raw ‘yan sa ayaw niya talaga sa pulitika, na kahit sa hinagap ay hindi niya maisip na pasukin ito.

PAK: Maraming rebelasyon si Ruffa Gutierrez sa libro niyang Truth and Lies My Mother Told Me lalo na sa makulay niyang lovelife. Ang nakakaloka lang daw ay nang pakialaman ng Mommy Annabelle Rama niya ang mga isinulat nito lalo na tungkol sa kanyang ex-boyfriends.

Binanggit kasi ni Ruffa ang mga pangalan ng mga lalaking naugnay sa kanya, pero nang mabasa raw ito ng Mommy at Daddy niya, ipinabago ito ni Tita Annabelle.

Kaya ang alyas niya sa mga lalaking na-involve sa kanya ay sina The Bad Boy Adventurous One, The Steady Loving Loyal One, The Player, Mr. Complicated, Mama’s Boy at marami pang iba.

Inabot ng mahigit isang taon bago nabuo ito dahil ipinaalam pa raw niya sa mga lalaking involved ang tungkol sa libro bago itinuloy ang pagsusulat. Binasa pa raw muna nila ito bago ipina-print.

“One of them, Mr. Bad Boy I won’t mention names, Mr. Bad Boy said, ‘sige, sige, dapat lahat ng maganda na ginawa ko sa ‘yo sabihin mo ha? Dapat maganda ang ilagay mo.

“Sabi ko ikukuwento ko lang naman ‘yung istorya natin. He is the only one that gave his blessings.

“Yung isa naman was trying to convince me na huwag na. Si Mr. Complicated, nag-react. Bakit daw mali-mali ‘yung bahay na inilagay ko. Sa dinami-daming nilagay ko about him, talagang nag-react siya na mali raw ‘yung mamang nagba-barbeque at mali raw ang bahay niya.”

Isa raw ito sa mga nakakaaliw na bahagi ng libro.

BOOM: May ilang nagtaas ng kilay sa pagsali ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño sa isyu nina Baron Geisler at Ping Medina.

Deretsahan niyang sinabi na hindi raw ito puwedeng mangyari sa ilalim ng pamumuno niya bilang Chairman. Bilang aktor daw ay dapat na mabigyan ng proteksyon ang bawat artistang nagtatrabaho.

Kaya bukod sa sina-suggest niyang pag-blacklist kay Baron, makikipag-coordinate raw siya sa Film Academy of the Philippines (FAP) at sa Department of Health kung paano mabigyan ng tamang rehabilitation si Baron. Dapat na magpahinga raw muna ito at ipa-rehab na talaga uli hanggang sa gumaling.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with