^

PSN Showbiz

Ruru si Kylie pa rin ang iniisip kahit si Gabbi ang kaeksena

Pilipino Star Ngayon
Ruru si Kylie pa rin ang iniisip kahit si Gabbi ang kaeksena
Ruru Madrid

MANILA, Philippines - Sa mas umiinit na kaganapan sa Encantadia, nakasalubong nila Hagorn (John Arcilla) si Lira (Mikee Quintos), pipilitin nila itong ituro kung saan ang Sapiro ngunit mabibigo sila.

Makikita ni Amihan (Kylie Padilla) na papatayin ni Agane (Rochelle Pangalinan) si Lira kaya’t tutulungan niya ito. Magkakaroon ng engkwentro matapos atakihin ni Alena (Gabbi Garcia) si Hagorn na magpapalabas kina Danaya (Sanya Lopez), Ybarro (Ruru Madrid), at Amihan sa kanilang tinataguan.

Mapapaatras sina Hagorn at ang pangkat nito matapos magkaroon ng maraming sugat mula sa saksak ng mga sang’gre.

Ginamot ni Danaya si Alena matapos itong magtamo ng sugat sa saksak ni Hagorn. Nagpapanggap si Alena na tila napatawad na ang mga kapatid pero dama sa kanya ang pagkamuhi at ginagawa lamang ito dahil sa plano ni Pirena (Glaiza de Castro).

Nagbalik na sina Amihan sa Sapiro kasama sina Alena at Lira. Tinanggap sila ng maluwag dito pero batid ang pagdududa ni Amihan kay Alena.

Batid kina Ybarro, Alena, at Amihan na hindi mapanatag ang kanilang mga loob sa tila selos at pagkalito sa nararamdaman nila para sa isa’t isa.

Sinubukan kumbinsihin ni Lira si Alena tungkol sa kaniyang pagkatao ngunit maski ito ay wala ring maalala. Patuloy na nagpapagaling si Hagorn na gutom na gutom na sa paghihiganti kila Amihan. Bigo si Lila Sari (Diana Zubiri) na alamin ang pangontra ni Hagorn sa kaniyang kapangyarihan.

Mag-uusap sina Alena at Ybarro tungkol sa nararamdaman pa ding pag-ibig sa isa’t isa. Maririnig ni Amihan ang usapan na magdudulot ng kaniyang pag-iyak.

Hindi mawala si Amihan sa isip ni Ybarro habang hinahalikan nito si Alena kaya’t ihahatid na lamang niya si Alena sa silid nito.

Nagpupulong sina Amihan tungkol sa magiging sunod na pag-atake kina Hagorn.

Kinompronta ni Lila Sari si Agane tungkol sa pakikipag-alyado nito sakaling itumba man nila si Hagorn, dahilan na din sa mga kataksilan ni Agane tulad ng pagnanakaw ng buwis.

Nagkaroon ng tension sa pagitan ni Ybarro at Asval (Neil Ryan Sese) matapos kwestyunin ni Asval ang pag-gamit ni Ybarro sa Sapiro at sa mga ginto na di niya alam ang pinagmulan.

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi sa GMA 7.

vuukle comment

JOHN ARCILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with