^

PSN Showbiz

Dating tindero ng sigarilyo na yumaman tampok sa GRR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang mga nanalo na mga representative ng Pilipinas sa mga beauty contest ay makakapanayam ng host ng Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) na si Ricky Reyes at magbibigay ng inspirasyon sa mga aspiring contestant.

Ang mga title holder natin na sina Mr. Global Teen 2016 Joaquin Rosallosa, Ms. International 2016 Kylie Versoza at ang Ms. United Continent 2016 Jeslyn Santos ay magbibigay ng payo sa isang aspiring beauty queen student na si Chrisma Pabustan na nabigyan ng inaasam niyang make-over sa Gandang Ricky Reyes Salon.

Samantala, pagkaing bukod sa hitsura pa lang na matatakam ka na ay pwede rin palang magawa sa inyong kusina ay ituturo sa inyo ng GRR TNT. Panoorin kung paano gumawa ng home-made Pizza Pie na isa sa mga paboritong ihain sa parties.

Dahil naman sa kanyang pagsisikap at tyaga sa buhay, si Edwin Lisa na isang dating barbero at nagbebenta ng tinapay at sigarilyo ay nakamit ang kanyang inaasam na magandang buhay.

Kung may problema sa kinky na buhok, ang sagot ay ang Regold ng Gandang Ricky Reyes Salons. Soft Wave Treatment naman ang maganda para maging bouncy at malambot ang dull hair n’yo, at para sa mga kulang na sa buhok naman ay ang mga natural wigs ni Mother Ricky ang magpapabalik ng kompiyansa sa sarili. 

Enroll na sa Ricky Reyes Learning School  na mata­tagpuan sa Anonas, Cubao, Manila at Fairview para sa dagdag na kaalaman upang gumanda ang buhay.

vuukle comment

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with