^

PSN Showbiz

Nanay ni female personality, kakaperanggot na budget ang binibigay sa mga maid

- Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang ulit nang nasusulat sa pamama­gitan ng blind item ang sobrang kaku­riputan ng isang magandang aktres.

Pinatutunayan ng mga dati niyang kasambahay ang sobrang pagkakuyom ng kanyang palad.

Bukod sa may sarili nang kiluhan sa kanyang bahay ang aktres dahil sa kanyang pagdududa na dinadaya siya ng kanyang kasambahay na tagapamalengke ay de-susi rin pala ang kanyang refrigerator.

Dalawa ang ref niya, parehong may susian ‘yun, para kapag wala siya sa bahay at nagte-taping ay sigurado siya na walang makapagbubukas ng kanilang ref.

May katapat na ang kakuriputan ng magandang aktres, inilalaban sa kanya ng aming source ang mommy ng isang singer-actress, parehung-pareho kuno ang kanilang kartada pagdating sa kakuriputan.

Kuwento ng aming impormante, “Ibang klase rin si ____(pangalan ng ina ng female personality), matindi rin ang sobrang kakuriputan niya, nagla-lock din siya ng ref, tulad ng beautiful actress!

“May sariling budget ang mga kasambahay niya, pero napakaliit, pinagkakasya na lang ‘yun ng mga maids para hindi sila magutom. Hanggang du’n lang ang budget nila, walang dagdag,” simulang kuwento ng aming source.

Kapag may mga bisita kuno ang mommy ng singer-actress ay nagpapaluto ito ng masasarap na putahe. Lunok lang nang lunok ang kanilang mga kasambahay dahil bilang na bilang pala ng mommy ng singer-actress ang mga piraso ng inilutong karne.

“Ano bang sa kanila na lang ang mga tira-tira? Hindi puwede ‘yun, nakalista sa utak ng mommy ng singer-actress kung ilang piraso ang ipinaluto niya sa cook nila. Kaya ang mga left-over, e, sa naka-lock na ref pa rin ang tuloy, hindi puwedeng kainin ng mga maid-of-cotton!

“’Yun kayang kakuriputang ‘yun ng mommy niya ang dahilan kung bakit napakapayat ng singer-actress? Never siyang tumaba, pati kaya siya, e, pinagkukuriputan ng mommy niya kahit siya pa ang nagwo-work?” nakataas ang kilay sa tenth floor na kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Kung kailan inaalat sa comeback, kris hindi na naoospital

Oo nga naman. Nakapagtataka kung bakit kung kailan sunud-sunod na pagkabigo ang nangyayari sa career ni Kris Aquino ay saka naman tumibay ang kanyang naturalesa.

Hindi siya nagkakasakit ngayon, lalong hindi siya naoospital, samantalang nu’ng walang mga ganitong nangyayari sa kanyang buhay ay palagi siyang nagpo-post ng kanyang pagkakasakit.

Mukhang pinatibay na nga ng mga paghamon ang aktres-TV host, isang magandang senyal ‘yun na tanggap na niya ang mga indultong nagaganap sa kanyang career, wala naman kasi talaga siyang pamimilian.

Talagang hindi niya kakampi ang 2016, sa taong ito nangyari ang lahat ng pagkabulilyaso sa kanyang karera, kahit nga siguro siya ay hindi makapaniwala na puwede palang mangyari sa kanya ang ganito.

Napakataas ng tingin ni Kris sa kanyang sarili, super-sikat-to-the-max sa pakiramdam niya ang kanyang kasikatan, pero sa isang bigwas lang ng kapalaran ay nadiskaril ang lahat ng kanyang mga plano.

Ang naganap kay Kris ay isang malinaw na ehemplo na gaano man kaningning ang bituin ng isang personalidad ay puwedeng basta na lang maglaho ‘yun. Walang pinipiling estado at pangalan ang paglamlam ng popularidad.

Napakasuwerte nga ni Kris Aquino dahil nang mangyari sa kanya ang ganitong indulto ay milyonarya na siya, hindi masasaktan ang kanyang bulsa, puwede pa silang mabuhay nina Josh at Bimby nang kahit isang siglo nang hindi sila kakapusin.

Pero nakapanghihinayang ang mga dumaraang buwan para kay Kris na walang pumapasok sa kanyang kaban. Milyun-milyon ang nababawas sa kanyang naiipon ngayon dahil wala siyang regular na kinikita.

Pinakamalaki pa naman ang halagang nakasulat sa paycheck ni Kris Aquino buwan-buwan sa ABS-CBN.

vuukle comment

MAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with