^

PSN Showbiz

Sikat na young actor walang pakialam sa anti-drug campaign, sabog na sabog nang maki-party; Laban ni Pacman hindi gaanong bumenta sa pay per view

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK:  Hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Ro­bin Padilla na pagbibigyan siya ng US Embassy na makapunta ng Amerika.

Pati ang executive ng ABS-CBN na si Ms. Linggit Tan-Marasigan ay nagpadala pa ng sulat sa US Embassy para sabihing nakakontrata sa kanila ang aktor at kailangang bumalik ng bansa pagkatapos manganak doon ni Mariel Rodriguez.

Ipinost din ni Robin sa kanyang Instagram account ng sulat na pinapagawa siya uli ng sulat sa Non-immigrant Visa Unit na i-consider ang hi­ling niyang mabigyan ng visa para sama­han si Mariel sa kanyang pa­nga­­nganak. Tinutulungan na siya nga­yon ng Immigrant lawyer na si Michael Gurfinkel.

PAK: Totoo kaya ang kuwento sa amin ng isang observer na nakadalo sa Star Magic Ball na hindi na raw pinalakad sa red carpet ang isang kilalang young actor dahil sobrang bangag na bangag ito.

Hindi alam kung ano ang tinira, pero simula pa lang ng event ay iba na raw ang hitsura nitong kila­lang aktor at halatang-halata na may karga at baka magkalat lang kapag pinalakad pa ito ng red carpet.

Ewan ko kung nasa drug list ng celebrities itong aktor na hindi kami makapaniwalang sa gitna ng kampanya laban sa droga, tuloy pa rin pala sila sa bisyong ito.

BOOM: Wala nang dating itong huling laban ni Sen. Manny Pacquiao dahil sa simula pa lang ay ramdam naming hindi na ganun ka-exciting ang laban nila ni Jessie Vargas.

Hindi na raw ganun kala­kas ang benta sa Pay Per View at mangilan-ngilang sinehan na lang ang nagpalabas ng labang iyun.

Ang isa raw sa nagpahina sa Pay Per View ay ang Facebook live. Ang da­ming nanood sa Facebook at dire-deretso pang napanood ng live, at walang commercials.

Kaya napapag-usapang sana itinuloy na raw talaga ni Sen. Pacquiao ang pagretiro at nag-focus na ito sa pagiging senador.

Mababalik lang ang excitement ng mga tao sa laban niya kung magkakaroon sila ng rematch ni Floyd Mayweather.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with