^

PSN Showbiz

Japan at Korea paborito nang pasyalan ng mga artista

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Magmula nang lumuwag ang Japan Embassy sa pag-i-issue ng tourist visa sa mga Filipino, naging paboritong tourist destination na ng maraming Pinoy lalo na ang mga celebrities ang Japan. 

Nitong long weekend holidays ay maraming celebrities ang dumayo ng Japan para magbakasyon at kasama na rito ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez kasama ang anak nilang si Nate.

Ang iba pang destination na gustung-gusto ng celebrities puntahan lately in Asia ay ang Korea, Singapore at Indonesia at tila pahinga na ang iba sa kanila sa pagpunta-punta ng Hong Kong at Bangkok.

Ejay masaya sa piling ng Kapuso talent

Hindi imposibleng magkaroon ng romantic affair ang talents ng magkalabang TV network tulad ng ABS-CBN at GMA.  Take the case ng mag-asawa na ngayong sina Drew Arellano (Kapuso talent) at dating Kapamilya talent na si Iya Villania.

Tumagal ng mahigit sampung taon ang kanilang relasyon bago sila tuluyang nagpakasal and eventually magkaroon ng anak.  Sa ngayon ay lumipat na si Iya sa Kapuso network.

For sometime, naging magkasintahan sina Luis Manzano na isang certified Kapamilya talent at si Jennylyn Mercado na isang Kapuso star. 

Ang isa pang couple ngayon sa magkabilang istasyon ay sina Ejay Falcon at  Jana Roxas.  Ang dalawa ay parehong produkto ng magkaibang reality show, si Ejay sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus at si Jana naman sa Starstruck 3rd edition.

May common denominator ang dalawa dahil pareho silang iniwan ng kanilang mga magulang when they were both young.  Kapapanganak pa lamang noon ni Jana nang sila’y iwan ng kanyang ama at sumunod naman ang kanyang ina at siya’y naiwan sa pangangalaga ng kanyang lola.  Si Ejay naman ay inabandona rin ng kanyang mga magulang.  Kinse anyos si Ejay nang siya’y lumuwas ng Maynila para hanapin ang kanyang ina at doon lamang niya nalaman na may iba na pala itong pamilya.

Pumasok sa kolehiyo si Ejay pero hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral ng Hotel & Restaurant Management dahil sa kakapusan ng pera. Dito naman niya nakilala ang hairstylist at tumatayo niyang manager na si Benjie Alipio at kasunod na rito ang pagpasok niya sa PBB house kung saan siya ang tinanghal na grand winner sa PBB: Teen Edition Plus noong 2008.

Si Jana naman ay naki­pagsapalaran din sa reality show na Startruck at kapanabayan niya sina Jackie Rice, Iwa Moto, ang namayapang si Marky Cielo at iba pa.

Hindi maikakaila na may relasyon na ngayon ang Kapamilya actor na si Ejay at ang Kapuso talent na si Jana na naispatang magkasamang namamasyal sa Tokyo, Japan recently.

Sandaling naging kasintahan ni Ejay ang aktres na si Yam Concepcion at nanligaw din siya sa sexy star na si Ellen Adarna.  Na-link din siya noon sa panganay na anak ni Robin Padilla na si Queenie na may asawa na ngayon sa Australia.

vuukle comment

EJAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with