^

PSN Showbiz

Yeng malungkot sa ginawa ng mister!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yeng malungkot sa ginawa ng mister!
Yan Asuncion at Yeng Constantino

Minsan ay ikinalulungkot ni Yeng Constantino ang ginawang sakripisyo ng asawang si Yan Asuncion na iwanan ang paggawa ng mga kanta. Hindi na raw kasi nakakasulat at nakakapag-record ng kanta ngayon si Yan dahil tinututukan nito ang negos­yo nila ni Yeng. “Si Yan po, marami pong sinacrifice bilang artist. Kasi si Yan, isa siya sa main worship leaders ng church namin, ‘yung Victory. Gumagawa sila ng album. Pinapadala pa sila sa Nashville to be trained para sa pagre-record, pag-produce. Pero no’ng naging kami, he knew na kailangan niya i-let go ‘yun and suportahan ako sa ginagawa ko and for him to go to a different direction which is business,” kwento ni Yeng.

Pinapahalagahan naman daw ng singer ang lahat ng ginagawang sakripisyo ng asawa para sa kanilang kinabukasan. “Of course sa heart niya, he wants to support me, ‘yung family namin. Minsan, siguro hindi ko nao-open masyado sa kanya, pero nalulungkot ako. Kasi he’s really a good songwriter, napakagaling na musician. Pero right now, hindi niya ginagawa dahil nagpo-focus siya talaga na makaipon kami so that when the baby comes, talagang sigurado,” pagbabahagi ni Yeng.

Sarah naka-focus na ulit sa musika

Balik-trabaho na ngayon si Sarah Geronimo matapos ang dalawang buwang pamamahinga sa show business. Ito ang kauna-unahang pagka­kataon na nagpahinga nang matagal si Sarah sa kanyang trabaho sa loob ng mahigit isang dekada niyang pananatili sa industriya.

“Yes, 100% back na. ‘Yung mindset ko is talagang energized. Mas motivated to work even harder. Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na, ‘Ano ba ‘yung purpose ko? Bakit ko ba ito ginagawa? Ano ba ‘yung kulang?’ Then I realized na you don’t work for other people to please them. ‘Yung main goal mo dapat is to share whatever you have. Kung ano ‘yung ibinigay sa ‘yo ng Panginoon, regardless kung magbunga siya ng konti o sangkatutak. Ang pinaka-importante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” makahulugang pahayag ni Sarah.

Sa ngayon ay ang pagkanta muna raw ang bibigyang panahon ng Popstar Princess. “I’d like to focus more sa music ko at i-promote ‘yung mga nakaraang album ko. We are planning na talagang mailabas ‘yung magagandang tracks dito sa latest album ko. Pitching pa lang ng new movie. Concert, planning stage pa lang din po. TV shows, wala pa po,” pagbabahagi ng dalaga.

Isang special show ang gagawin ni Sarah sa Kia Theater sa November 29 na may titulong Sarah Geronimo The Great Unknown Unplugged.

vuukle comment

YENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with