^

PSN Showbiz

Sam in love na in love sa non-showbiz gf

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Sam in love na in love sa non-showbiz gf
Sam at GF

It took Sam Milby six years bago siya muling nakahanap ng babaeng kanyang ma­mahalin after his break-up with Anne Curtis. This time, dumating sa kanyang buhay si Mari Jasmine at kung hindi mauudlot, ito ang babaeng gustong makasama ni Sam habambuhay.

First time rin inirampa ni Sam ang bagong kasintahan sa nakaraang Star Magic Ball. Ang dalawa ay nagbakas­yon din sa Japan.

Nakikita sa mga mata at kilos ni Sam kung gaano siya ka-in love sa kanyang bagong ka­sintahan nga­yon.

Anak ni Andi gagawing Ejercito ni Jake?

Hindi man nagsasalita ngayon si Jaclyn Jose, natitiyak namin na ma­sa­yang-ma­sa­ya ito para sa kanyang five-year-old apo na si Ellie dahil maayos ang relasyon ng bata sa ama nitong si Jake Ejercito.

Whenever Jake is in town (dahil nag-aaral siya sa Singapore), he makes it a point na may oras siya para kay Ellie na kinu-consider niyang Princess.

Super close ang mag-amang Jake at Ellie bagay na ikinatutuwa na rin siguro ng ina ng bata na si Andi Eigenmann.

Dinala na rin ni Jake si Ellie sa kanyang pamilya at ipinakilala sa kanyang parents na sina dating Pa­ngu­lo at nga­yon ay ma­yor ng Maynila na si Joseph ‘Erap’ Estra­da at dating aktres na si Laarni Enriquez na tuwang-tuwa sa kanilang bagong apo.

Since Eigenmann ang gamit na apelyido ng bata, ipa­bago kaya ni Jake ang family name ng kanyang five-year-old princess at gawin na itong Ejercito?

Hindi malayong mangyari ito.

Paolo hindi malimutan si Angelina Jolie sa Tokyo

Hinding-hindi makakalimutan ni Paolo Ballesteros ang kanyang kauna-unahang experience na rumampa sa red carpet sa isang international film festival na naganap sa ika-29th Tokyo Internatio­nal Film Festival na nagsimula noong nakaraang October 25 at magtatapos bukas, November 3. Kalahok sa nasabing filmfest ang kanyang movie na Die Beautiful na idinirek ni Jun Robles Lana.

In character na rumampa si Paolo in his Angelina Jolie transformation na nakasuot ng black velvet Filipiniana gown na gawa ni Rau Uson-Ablaza. Mahigit limang oras ginawa ni Paolo ang kanyang make-up para makuha ang hitsura ni Angelina Jolie na ikinatuwa ng marami.

Ayon sa mag-partner na Jun Lana at Perci Intalan, noong 2014 pa umano tapos ang script ng Die Beautiful pero naghintay lamang daw talaga sila ng tamang oras para masimulan ni Paolo ang movie dahil sa sobra nitong pagiging busy.

Naging blessing in disguise ang pagkaka-suspend ng Eat Bulaga kay Paolo ng anim na buwan kaya nagawa niya ang pelikula. Nagawa rin niya ang movie na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! na pinagsamahan naman nila nina Anne Curtis at Dennis Trillo.

Bea naniniguro muna kay Derrick

Naka-move on na ang Kapuso young star na si Bea Binene sa break-up nila ni Jake Vargas kaya maingat umano siya sa susunod niyang magiging boyfriend. Sa ngayon, very close kay Bea ang kaibigan niyang si Derrick Mo­nasterio na umamin na meron itong nararamdaman para kay Bea.

Sa part naman ni Bea, thankful siya sa pag-aalaga ni Derrick sa kanya kahit magkaibigan lang sila.

Gusto kasi ni Bea na masiguro ang kanyang nararamdaman para kay Derrick lalupa’t nagsimula sila bilang close na magkaibigan.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with