^

PSN Showbiz

Sen. Grace ‘di pabor sa pagpapaseksi ni Lovi?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sen. Grace �di pabor sa pagpapaseksi ni Lovi?
Lovi Poe

Nabibisita namin ang Instagram (IG) account ni Lovi Poe at napansin naming isa sa madalas mag-like ng mga ipinu-post nitong pictures and videos ay ang kapatid niyang si Sen. Grace Poe. Ang napapansin ng followers ni Lovi, ‘pag sexy pictures ng aktres, hindi nila-like ni Sen. Grace.

Ang dami pa namang sexy photos sa IG ni Lovi kabilang na ang pictorial niya sa October issue ng FHM at promo pictures nila nina Derek Ramsay at Christopher de Leon ng Regal Films movie na The Escort.

Nila-like rin ni Sen. Grace ang pictures nina Lovi at Tom Rodriguez sa Someone To Watch Over Me.

Ang hindi pa namin nadidiskubre ay kung nila-like ba ni Sen. Grace ang picture ni Lovi at ng ka-MU niyang si Chris Johnson na inamin niyang ka-Mutual Understanding nito.

Bukas, November 2, ang nationwide showing ng The Escort sa direction ni Enzo Williams at isa sa pinaka-sexy movie ni Lovi.

Alden may tampo kay Maine, hindi sumabay sa flight!

Hindi pala sabay umalis sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa bakasyon nila sa London, kaya may isyu na naman sa binata ang ibang fans nila. Lumabas pa muna si Alden sa Sunday PinaSaya at ang sabi, sumunod na lang sa 3 a.m. flight ng Monday morning.

Nagtatampo kay Alden ang ibang Aldub Nation fans dahil tuwing aalis sila ni Maine ng bansa ay laging hindi sila magkasabay. Parang si­na­sadya raw ng aktor na hindi su­ma­bay sa ka-love team at ang kasama nitong lumipad last Sunday ay sina Mr. Tony Tuviera, ang misis nito at iba pang kasama sa bakas­yon.

Lalo’t may isyu sa dalawa sa isang episode ng Eat Bulaga, napikon daw si Alden sa mga joke ni Maine patungkol sa mata­gal nang kasa-kasama ni Alden na si Mama Ten. Mahal ni Alden si Mama Ten at pa­milya na ang turing nito sa taong malaki ang hirap at pagod sa kanyang career.

Well, sana nga, maayos nina Alden at Maine kung may hindi man sila napagkasunduan dahil ang pangit sa magka-love team ang may tampuhan.

Andi balak ipareha kay Derek

Nakakuwentuhan ng mga reporter si director Enzo Williams after ng premiere night ng The Escort. Nabanggit nitong ang biopic ng car racer na si Enzo Pastor ang next movie na gagawin niya na pagbibidahan ni Derek Ramsay.

Hindi maiiwasang ma-tackle ang pamilya nito at ang asawang si Dahlia Guerrero-Pastor. Kaya ang tanong namin kay direk Enzo ay kung sino’ng aktres ang napili niya sa role ng asawa ni Enzo?

Si Andi Eigenmann ang binanggit nito o gaya ni Andi dahil mestisa ang asawa ni Enzo Pastor. Kung hindi ipapahiram ng Viva kay direk Enzo si Andi, maghahanap siya ng aktres na katipo nito.

vuukle comment

LOVI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with